• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

See you in Tokyo!’—Didal

Kinumpirma kahapon ng world skateboarding federation ang paglahok ni 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa susunod na buwan.

 

 

“I don’t know what to say but GRAZIE MILLE,” sabi ni Didal, kasalukuyang nasa Rome, Italy, sa kanyang Facebook post. “See you in Tokyo.”

 

 

Umakyat ang 22-anyos na si Didal sa No. 13 sa World Skating Rankings matapos sumabak sa nakaraang Street World Championships sa Rome.

 

 

Kabuuang 20 tiket ang itinaya para sa Tokyo Olympics – ang tatlo ay para sa mga podium finishers ng World Championship, ang 16 ay base sa Olympic rankings at isa para sa host country.

 

 

Kasalukuyang nag-eensayo si Didal sa Rome bilang paghahanda sa 2021 Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Other News
  • Semi-bubble sa pro cage league – GAB

    INIREKOMENDA ni Games and Amusements Board (gab) chairman Abraham Kahlil Mitra na mag-semi-bubble  para makapag-workout at practice ang professional basketball teams sa mga lugar na kaunti lang ang kaso ng coronavirus gaya NG Batangas, Bataan at Quezon. Ipinaliwanag ng opisyal kamakalawa na puwedeng makapag-ensayo o ehersisyo ang mga mga nasa Philippine Basketball Association (PBA) at […]

  • Japanese Olympic swimmer Daiya Seto, sinuspinde ng 1-taon dahil sa iligal na pakikipagrelasyon

    SUSPENDIDO si 4-time world champion Japanese swimmer Daiya Seto ng isang taon dahil sa pagkakaroon ng extra-marital affair.   Mismong ang Japan Swimming Federation ang nagpataw ng nasabing kaparusahan dahil nilabag umano ng 26-anyos na swimmer ang sportsmanlike conduct standard ng bansa.   Dahil sa pangyayari ay boluntaryo na itong bumaba bilang team captain ng […]

  • Baron dinidiskartehan ng Japanese at Taiwanese

    HINDI  panglokal kundi international din ang kalibre ni Philippine SuperLiga (PSL) star Mary Joy ‘Majoy’ Baron kaya dalawang banyagang koponan sa balibol ang nagkakandarapa sa kanya upang mahikayat siyang sa ibayong dagat na humambalos.     Napasadahan ng pahayagang ito nitong isang araw lang ang Instagram story ng F2 Logistics Cargo Movers middle blocker . […]