Semi-bubble sa pro cage league – GAB
- Published on August 10, 2020
- by @peoplesbalita
INIREKOMENDA ni Games and Amusements Board (gab) chairman Abraham Kahlil Mitra na mag-semi-bubble para makapag-workout at practice ang professional basketball teams sa mga lugar na kaunti lang ang kaso ng coronavirus gaya NG Batangas, Bataan at Quezon. Ipinaliwanag ng opisyal kamakalawa na puwedeng makapag-ensayo o ehersisyo ang mga mga nasa Philippine Basketball Association (PBA) at maging ang Philippine Football League (PFL). Ang mga lugar na nasa General Community Quarantine o mas mababa ang quarantine status ay mas maluwag base sa inaprubahan na Joint Administrative Order ng Department of Health, GAB at Philippine Sports Commission, Department of Health at Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease. ”Of course, hindi ito gaya ng (National Basketball Association (NBA) bubble na halos worth $1.5B but the pro teams can enter in a semi bubble as approved by the provisions of the JAO,” aniya. (REC)
-
Galit daw ang ina ni Elisse kaya ‘di inimbita: McCOY, hindi nakapunta sa surprise birthday party ng anak
WHAT this we heard na nagkakatampuhan daw ngayon ang magkaparehang sina Elisse Joson at McCoy De Leon. Hindi raw kasi dumating ang huli sa surprise birthday celebration ng una. In fairness ang mommy ni Elisse ang lahat ng may plano sa nabanggit na pa surpresa para sa kaarawan ng anak. Inimbitahan daw ng ina ni […]
-
MIC Board nagsagawa ng 1st meeting, tinalakay ang fund capitalization
ANG MIC ay nagsisilbi bilang governing body ng Maharlika Investment Fund (MIF). Sa isang kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office(PCO), tinalakay ng MIC Board ang fund capitalization at potensiyal na mga sektor na gagamitin para makamit ang multigenerational commercial, economic, at social development value creation. “It likewise nominated Chairpersons for […]
-
Ex-PDEG chief, 48 pa kakasuhan sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’
NAKATAKDANG isampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kasong kriminal at administratibo laban kina dating Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Director BGen. Narciso Domingo at 48 pang tauhan nito kaugnay ng umano’y ‘cover-up’ sa P6.7 bilyong halaga ng shabu na nasabat mula sa lending company ni PMSgt. Rodolfo Mayo, Jr. noong […]