• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Seguridad sa May 9 polls, ikinakasa na

IKINAKASA na ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Phi­lippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa gagana­ping halalan sa Mayo 9 sa bansa.

 

 

Nitong Biyernes ay nagsagawa ng Joint Command Conference sa AFP Commissioned Officers Club sa Camp Aguinaldo sina AFP Chief Gen. Andres Centino, PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, PCG Commandant Admiral Artemio Abu at COMELEC Chairman Saidamen Balt Pangarungan.

 

 

Ayon kay Col. Jory Baclor, Chief ng AFP-Public Information Office, pinag-usapan sa nasabing joint command conference ang deployment ng vote counting machines, official ballots, mga kagamitan sa eleksiyon, supplies at iba pang paraphernalias ng Comelec.

 

 

Nagbigay din ng updates ang AFP, PNP sa mga lugar na mahigpit na babantayan laban sa mga armadong grupo na posibleng manabotahe sa eleksiyon.

 

 

Kabilang dito ang nga rebeldeng New People’s Army (NPA), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Abu Sayyaf Group (ASG) at maging ang mga Private Armed Groups (PAGs).

 

 

Pinaghahandaan din ng energy sector, electoral boards ang posibleng brownout at tinalakay rin ng Inter-Agency Task Forces for the Management of Emerging and Infectious Disease ang mga pag-iingat sanhi ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

 

 

Ang PNP, AFP ay pawang mga deputado ng Comelec para tiyakin ang seguridad sa halalan. (Daris Jose)

Other News
  • Ospital sa Metro Manila lumuwag na sa COVID-19 patients

    Patuloy ang pagluwag ng ‘hospital occupancy’ para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Metro Manila kasabay ng unti-unting pagbaba ng mga bagong kaso kada araw.     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumaba na sa 48% ang utilization rate ng mga pagamutan makaraang pumalo ito sa ‘high risk’ noong nakaraang Marso at […]

  • NAGPANGGAP NA NAKAPANGASAWA NG FILIPINOS, 2 KOREAN NATIONAL, PINIGIL SA NAIA

    NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang Korean national na tinangkang iligal na pumasok sa bansa  gamit ang iang pekeng entry visas sa pagpapanggap na nakapag-asawa ng isang Filipinos.   Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni  Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. kinilala ang dalawang Korean […]

  • Nag-translate sa ilang eksena sa bagong serye: YASMIEN, napakinabangan ang kaalaman sa Arabic language

    NAPAKINABANGAN ni Yasmien Kurdi ang kaalaman niya sa Arabic language sa bago niyang teleserye na ‘The Missing Husband’.     Marunong si Yasmien ng Arabic words dahil matagal siyang nanirahan noon sa Middle East kasama ang kanyang ama na isang muslim.     At dahil dito ay siya ang nag-translate ng Arabic words na parte […]