• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Seguridad sa pagsisimula ng campaign period para sa national candidates, maaasahan – PNP

TINIYAK  ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na kanilang bibigyan ng standard security package ang mga kandidato sa national elections sa pagsisimula ng campaign period, February 8, 2022.

 

 

Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, handa na ang latag ng kanilang seguridad para matiyak na magiging mapayapa ang panahon ng kampanya hanggang sa eleksyon.

 

 

Para matiyak na mananatilig apolitical, maingat aniya sila sa pagbibigay ng security detail.

 

 

Mananatili lang umano ang mga pulis sa campaign activity pero kapag tapos ng activity ay aalis na ang mga pulis.

 

 

Paliwanag pa ni Carlos, susunod sila sa Comelec resolution bilang deputized agency.

 

 

Samantala, kanya namang sinabi na magkakaroon muli sila ng pulong sa Comelec para sa final instructions sa gagawin ng mga pulis sa eleksyon. (Daris Jose)

Other News
  • Ads August 20, 2022

  • Ads November 8, 2022

  • Parehong matapang at matulungin sa mga mahihirap: Sen. RAFFY at Sec. ERWIN, nagbukuhan sa ‘Korina Interviews’ ni KORINA

    ANO nga ba ang meron sa Tulfo Brothers na may katumbas ng respeto ang kanilang pangalan at halos lahat ay nanginginig sa kanila?   “Matagal ko nang kakilala ang magkapatid na Raffy at Erwin at sa kauna-unahang pagkakataon, opisyal ko na silang na-interview ng magkasama!   “At ngayon Senador na si Raffy at DSWD Secretary […]