• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Humanitarian aid mula sa EU, iba’t-ibang bansa, aabot na ng P182-M: UN

Nakaipon na ang United Nations ng P182 million mula sa pagtutulungan ng European Union, Sweden, Australia, United States, Germany at Zealand para umagapay sa typhoon response ng Pilipinas.

 

Ang nasabing humanitarian assistance ay makakatulong sa halos 260,000 Pilipino na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

 

Sinabi ni UN Resident Coordinator and Humanitarian Coordinator Gustavo Gonzalez, sa pamamagitan ng suportang ito mula sa mga resource partners ay nagpapatunay lamang ng international solidarity ng mga bansa para tumulong na muling makatayo ang mga bansa na nangangailangan ng suporta.

 

Nakalikom ang Humanitarian Aid Department of the European Commission (ECHO) ng P74 million, habnag ang Australian Government naman ay nagbigay din ng P33 million sa pamamagitan ng World Food Programme (WFP), UN Population Fund (UNFPA) at Family Planning Organisation of the Philippines (FPOP).

 

Nag-abot na rin ang Sweden ng P67.6 million sa pamamagitan naman ng Save the Children, National Council of Churches in the Philippines (NCCP) at Plan international.

Other News
  • PH, US defense chiefs tinalakay ang pagprotekta sa karapatan para “fly, sail, and operate safely and responsibly”sa ilalim ng int’l law

    TINALAKAY ng defense heads ng Pilipinas at Estados Unidos ang protektahan ang karapatan ng lahat ng bansa para “fly, sail, and operate safely and responsibly” sa ilalim ng international law.     Sa isang readout na ipinalabas araw ng Huwebes (Manila time), sinabi ni Pentagon Press Secretary Major General Pat Ryder na nagkaroon ng ‘phone […]

  • Director James Wan Takes Beyond Atlantis in “Aquaman and the Lost Kingdom”

    DISCOVER new worlds, mythical quests, and the challenges of Arthur and Orm. Immerse yourself in a world of color, fantasy, and epic storytelling.   James Wan, the acclaimed director of “Aquaman,” is back with a vibrant sequel, “Aquaman and The Lost Kingdom.” This time, the underwater world of Atlantis is not just revisited but expanded, […]

  • Mahigit P200K halaga ng marijuana, nasamsam sa Maynila

    TINATAYANG mahigit sa P200K halaga ng marijuana ang nasamsam at pagkakaaresto sa isang hinihinalang tulak sa isinagawang buy bust operation sa Sta. Ana Manila Martes ng madaling araw. Kasong paglabag sa RA9165 ang kinakaharap ng suspek na di Ryngard Joshde Villa Dela ng 2440 Onyx St., Brgy 775 Zone 85 Sta. Ana Manila. Sa ulat, […]