• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Seguridad sa South Metro pinaigting, higit 2K pulis ikakalat

KASADO na ang planong “Ligtas Paskuhan 2023” upang maagap na bantayan ang kaligtasan at seguridad ng mga residente at mga dumarayo sa katimugang bahagi ng Metro Manila na nasa hurisdiksyon ng Southern Police District (SPD).

 

 

Sinabi ni SPD officer-in-charge P/Brig General Mark Pespes, ang deployment plan ng mga tauhan ay kinabibilangan ng 2,425 na pulis at karagdagang 925 force multipliers para matutukan ang mga okasyon at pagi­ging abala ng mga tao kaugnay sa holiday season.

 

 

Kasama sa inis­yatiba ngayong taon ang strategic deployment ng 292 personnel sa mga lugar na dinadagsa ng mga tao at 98 sa transport terminals.

 

 

Para sa pagpapalakas ng street-level vigilance, 450 beat patrollers at 83 Tactical Motorcycle Rider Units ang nakaantabay habang nakapokus naman ang 1,436 SPD personnel sa anti-criminality measures, na aalalayan pa ng Red Team na may 66 miyembro.

 

 

“Continuous operations like Oplan Galugad and proactive community engagement through barangay visitation are at the core of our strategies,” ani Pespes.

 

 

Aktibo rin aniya, ang kanilang pagpapakalat ng impormasyon at community mobilization sa pamamagitan ng kanilang social media platform upang mabigyang babala ang mga mamamayan at makipagtulungan laban sa kriminalidad.

 

 

Dagdag nito, mas paiigtingin pa ang Simultaneous Anti-Criminality at  Law Enforcement Operations (SACLEO), maglalagay ng checkpoints sa strategic locations, at mas marami ang ide-deploy sa mga lugar na mas marami ang tao kabilang na sa mga simbahan na pagdarausan ng Simbang Gabi.

 

 

“Malls and other convergence spots are on our radar as potential targets for pickpockets and criminals,” ani pa ni Pespes.

 

 

Babantayan din ang crime-prone areas at panawagan na rin sa publiko laban sa indiscriminate firing at hindi ligtas na paggamit ng pyrotechnics.

Other News
  • ‘Ako ang makulong’: Duterte inako ang drug war

    INAKO ni dating ­pangulong Rodrigo Duterte ang madugong giyera laban sa ilegal na droga kung saan tahasan niyang ipinagtanggol ang naging hakbang at ipinaliwanag kung bakit niya ito ginawa.   Sa kanyang pagharap sa Senate Blue Ribbon subcommittee on the War on Drugs , Lunes, mariing sinabi ni Duterte na hindi dapat kuwestyunin ang kanyang […]

  • Obiena ‘di kinumpleto ang Golden Challenge

    HINDI tinapos ni Ernest John ‘EJ’ Obiena ang Golden Roof Challenge matapos itigil ng mga namamahala ang sanhi nang masamang panahon.   Pumasa na ang 24-anyos na University of Santo Tomas Engineering student at isa sa mga pambato ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa 5:30 metro nang magsimulang umambon at tuluyang lumakas […]

  • Labor group, umapela ng P470 na dagdag sa minimum wage sa NCR

    UMAPELA ang Trade Union Congress of the Philippines ng P470 na dagdag sa minimum wage kada araw sa National Capital Region.     Kaugnay nito naghain ang labor group ng petisyon para sa pagtataas ng sahod sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWRB)-NCR office sa Maynila.     Inihayag ng grupo ang ilang kadahilanan […]