• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sekyu pinagsasaksak ng 2 kainuman, kritikal

Nasa kritikal na kondisyon ang isang security guard matapos pagsasaksakin ng dalawang factory workers makaraan ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.

 

Kasalukuyang inoobserbahan sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang biktimang si Kevin Navarro, 28 ng 290 Magat Salamat St. Brgy. Daanghari.

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, kaagad namang naaresto ng mga tauhan ng San Roque Police Sub-Station 2 sa pangunguna ni P/EMSgt. Elizardo Oriendo sa follow-up operation ang mga suspek na sina Wilmar Casipit, 22 ng 497 Gov. A. Pascual St. Brgy. Daang Hari at Ricardo Eballar, 18 ng Estrella St. Brgy. East Navotas.

 

Sinabi ni Col. Balasabas, bago naganap ang insidente, nagkaroon ng inuman ang biktima at mga suspek sa Magat Salamat St. malapit sa bahay ni Navarro.

 

Dakong 3:30 ng madaling araw nang magkaroon ng argumento sa pagitan ng biktima at mga suspek at sa kainitan ng kanilang pagtatalo ay naglabas ng patalim si Eballar at Casipit saka pinagtulungan pagsasaksakin sa katawan si Navarro.

 

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ng kanyang kapatid ang biktima sa naturang pagamutan. (Richard Mesa)

 

Other News
  • COVID-19 curve flattening posible sa Setyembre – UP experts

    Posibleng maabot na ang ‘flattening the curve’ sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa katapusan ng buwan o Setyembre, ayon sa research group mula University of the Philippines (UP).   Sa reproduction rate ng COVID-19, bumaba ito sa 1.1 mula 1.5 makaraan ang mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila at karatig probinsya, ayon kay […]

  • Salarin sa ‘luto’ hindi matunton ng PBA

    Hindi matunton ng PBA ang may sala sa “luto” remarks.   Kaya naman nagbabala si PBA commissioner Willie Marcial sa lahat ng koponan na iwasan ang anumang hindi magagandang statement habang nasa laro.   Dahil sa oras na muling may lumabag, isang mabigat na parusa ang nakaabang sa salarin.   Bantay-sarado na ng PBA ang […]

  • Barangay employees, kasali na sa ‘Pambansang Pabahay’

    PASOK  na rin ang mga empleyado ng barangay sa mga benepisyaryo ng programang pabahay ng pamahalaan. Batay ito sa probisyon ng isang memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan kamakailan nina Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar at Interior Secretary Benhur Abalos. Base sa kasunduan, magtatayo ng housing units para sa mga mahihirap […]