Sekyu sugatan sa pamamaril sa Malabon
- Published on February 1, 2021
- by @peoplesbalita
Malubhang nasugatan ang isang 27-anyos na security guard matapos barilin ng hindi kilalang suspek makaraang komprontahin nito ang biktima sa Malabon city.
Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso na tumagos sa katawan ang biktimang si Ronnie Fernandez, ng Blk 48, Lot 31 Phase 3 Pampano St. Brgy. Longos.
Sa imbestigasyon nina PMSg Julius Mabasa at PSSg Ernie Baroy, dakong 3:30 ng madaling araw, galing ang biktima sa kalapit na tindahan upang bumili ng sigarilyo at nang iparada niya ang kanyang motorsiklo sa basketball court ay nilapitan siya ng suspek saka sinabihan “May problema ka ba, ang angas mo ah”.
Hindi siya pinansin ng biktima na bumaba ng motorsiklo subalit, nang papunta na ito sa kanyang boarding house ay binaril siya ng suspek bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.
Humingi naman ng tulong ang biktima sa kanyang mga kapitbahay saka inireport ang insidente sa Sub-Station 5 bago siya dinala sa naturang pagamutan.
Ipinag-utos na ni Malabon police chief Col. Angela Rejano sa kanyang mga tauhan ang follow up imbestigasyon sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)
-
Naging favorite ang character niya sa ‘Black Rider’: YASSI, nag-enjoy at gusto ulit makatrabaho si RURU
NAGING paboritong character ni Yassi Pressman si Bane/Vanessa dahil sa mala-roller coaster na pinagdaanaan ng character nito sa GMA actionserye na “Black Rider.” “There’s just so many emotions din po para sa isang taong nagkaron ng amnesia na hindi ko rin na-portray noon. Hinahanap niya po kung sino siya at kung ano ‘yung mga experiences […]
-
Nagbabalik si Borgy para makipagkulitan: Sen. IMEE, nag-bargain hunting sa Europa gamit ang katutubong bayong
PATULOY na ibinabahagi ni Senador Imee Marcos ang kanyang European adventure habang dinadala ang kanyang tapat o loyal na ‘Imeenatics’ sa isang natatanging ekspedisyon – istilong Pinoy – sa isa pang kapana-panabik na vlog sa paglalakbay ngayong weekend sa kanyang opisyal na Channel sa YouTube. Ngayong Biyernes, Disyembre 16, namimili si Imee sa mga sikat […]
-
Japan naghigpit sa mga atleta na mula sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19
Hinigpitan ng Japan ang ilang atleta na manggagaling sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19. Kinabibilangan ito ng mga atleta na galing sa India, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Maldives at Afghanistan na may naitalang mataas na kaso ng Delta variant. Nakasaad sa plano na kailangan na mag-swab test ang mga ito […]