• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Bong, aware sa ‘di pagri-renew ni Janine sa GMA-7

AWARE si Senator Bong Revilla na sa hindi pagre-renew ng GMA-7 sa kontrata ni Janine Gutierrez, may ilang ispekulasyon na kesyo mas pinaboran ng GMA si Senator Bong over Janine.

 

Na ang puno’t-dulo ay nang mag-comment si Janine sa kanyang Twitter account nang “Oh God” sa anunsiyo ng GMA na comeback show ni Sen. Bong ang Agimat ng Agila.

 


      Naitanong namin ito sa Senador at sabi nga niya, “Meron akong narinig na ganun, pero sabi ko nga, bakit ako na naman? Unfair naman sa akin yun. Huwag naman.”

 

Wala raw siyang isyu kay Janine. At forgiving person naman daw siya kaya lahat ay napatawad na niya.

 

“Pinatawad ko na yung mga tao na hindi rin naman kasi nila alam ang puno’t-dulo niyan. Kung ano man ang naririnig nila, yun lang ang nakakarating sa kanila but eventually, hindi man sila maliwanagan ngayon, maliliwanagan din sila and I understand them.”

 


      Pero sabi nga niya, hindi lang daw sa kanya at hindi lang din dahil artista, katulad niyang senior sa nga batang artista ngayon, dapat matuto rin na rumespeto sa nakatatanda.

 

Sa ngayon, excited at proud na ito sa comeback niya sa telebisyon, ang Agimat ng Agila kunsaan, makakatambal niya sina Sheryl Cruz at Sanya Lopez.

 

Once-a-week serye ito na ang quality raw ng pagkakagawa ay sa pelikula na.

 

***

 

ANG daming mga netizens, kabilang na ang mga celebrities na nagre-react sa nangyari sa PAL Flight attendant na si Christine Dacera, taga-General Santos City.

 

Wala pa rin linaw ang dahilan ng kamatayan nito sa isang hotel sa Makati noong New Year.

 

Sa autopsy, lumabas na aneurysm ang ikinamatay. Pero ayon sa mga pulis, (gang) rape ang dahilan. At 11 ang sinasabing suspect.

 

Nag-react sina Jennylyn Mercado nang may magsabi na sa tono ng pananalita nito, sinasabi na nitong rape nga ang cause.

 

 

Pero sey niya, “No. Ang daming kulang na impormasyon na lumabas. We all want the whole truth and justice for Christine.

 


      This tweet is about those people na ang reaction kaagad ay victim blaming irregardless kung kaninong kaso. 2021 na, may ganyan pa din mag-isip. Mali.”

 


      Sabi naman ni Jasmine Curtis-Smith, “These people who are supposed to make us feel safe and protected have been causing us way too much fear, anger, outrage and DISAPPOINTMENT. There is so much heaviness in everyone’s hearts because loved ones are lost along the way and then disrespected even when they’ve passed on.

 


      “How do they sleep at night? How do they face their families when they go home? What is going on in their heads?

 

“May truth prevail. May souls departed rest in peace and be given respect. May the families be given their rights to the truth and the comfort they need.

 


“Lahat sila ay biktima ng baluktot na systema… Haay.”

 


      Palaisipan naman sa amin ang tweet ni Klea Pineda na, “Delete niyo na posts niyo about sa issue dali magaling kayo diyan e.”

 


      Parang may pinaghuhugutan. (ROSE GARCIA)

Other News
  • Mental health, dapat na maging ‘global priority’-PBBM

    “ANG kalusugang pangkaisipan ay nararapat na maging bahagi ng mga prayoridad na usaping pandaigdigan.”     Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pakikiisa ng Pilipinas sa pagdiriwang ng World Mental Health Day.     Layon ng nasabing pagdiriwang ang itaas ang kamalayan sa usapin ng mental health.     “Ang kalusugang pangkaisipan […]

  • Football star Lionel Messi aalis na Barcelona FC

    Nakatakdang umalis na sa Barcelona Football Club si six-time Ballon d’O winner Lionel Messi.     Ayon sa nasabing koponan na nagkaroon sila ng problemang pinansiyal para sa renewal ng kontrata ng football star.     Dahil dito ay libre ang Argentina forward na makipagnegosasyon sa ibang mga koponan.     Isa sa top scorer […]

  • Pinas, Tsina umabot na sa ‘provisional arrangement’ ukol sa Ayungin missions

    KAPWA nagkasundo ang Pilipinas at Tsina sa isang “provisional arrangement” sa rotation and resupply (RORE) missions sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.         Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kapuwa sumang-ayon ang magkabilang panig na ang kasunduan “will not prejudice each other’s positions in the South China Sea.”   […]