Sen. De Lima tinanggap ang pag-sorry ni Sandra Cam
- Published on January 23, 2023
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ng nakakulong na dating senador na si Leila de Lima na tinatanggap niya ang paghingi ng tawad ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam.
Ayon kay dating Senator de Lima, masaya siya dahil nagsisi na umano si Cam sa kanyang mga nagawa at malugod niyang tinatanggap ang paghingi ng paumanhin nito.
Aniya, bilang kanyang dating co-PDL (person deprived of liberty) sa loob ng Philippine National Police Custodial Center, naging saksi siya sa mga paghihirap ni Cam dahil sa kanyang kondisyong medikal noong siya ay nakakulong.
Sa isang pagpupulong, inihayag ni Sandra Cam na kamakailan na napawalang-sala sa kasong murder — na ginamit siya bilang isang “tool” para sa pagkulong kay De Lima.
Ayon kay Cam, tumulong siya sa pagkuha ng diumano’y ebidensya laban sa dating senador.
Kaugnay niyan, si De Lima ay nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa loob ng Camp Crame mula noong Pebrero 2017 dahil sa mga alegasyon na siya ay nakinabang sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison noong siya ay Justice secretary.
Una na rito, hindi bababa sa dalawang testigo, ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa at dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos, ang nagbawi ng kanilang mga testimonya laban kay De Lima. (Gene Adsuara)
-
Ads December 23, 2021
-
DEPED Sec. Briones, suportado ni Pangulong Duterte sa nakatakdang pagbubukas ng klase sa darating na Lunes, Oktubre 5
ALL out support si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay DEPED secretary Leonor Briones sa harap ng naging paninindigan nitong dapat na ituloy ang pagbubukas ng klase sa gitna ng health crisis, sa darating na Oktubre 5. Ang katuwiran ng Pangulo, naiintindihan niya ang hugot ni Briones sa gitna ng pagpupursige nito kahit nuon pa […]
-
Trudeau nanawagan sa mga truckers sa Ottawa na tigilan na ang pagsasagawa ng protesta
NANANAWAGAN si Canadian Prime Minister Justin Trudeau na tigilan na ng mga truckers ang ginagawa nilang kilos protesta. Sinabi nito na labis siya ng nagulat at dismayado sa ibang pag-uugali ng mga protesters. Ilan sa mga dito ay ang vandalism at racial abuse. Dagdag pa ng Canadian Prime Minister […]