Sen. Drilon, mali ang obserbasyon sa ginagawang Marawi rehab ng TFBM
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
PINALAGAN ni Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman at Department of Human Settlement and Urban Development Sec. Eduardo del Rosario ang naging pahayag ni Senator Franklin Drilon na kailangan umano ng additional fund para matiyak na matatapos sa 2021 ang Marawi Rehabilitation.
Sinabi kasi ni Senador Drilon na “grossly inefficient” at halos nakaasa lamang daw sa donasyon and foreign aid ang rehabilitation project sa lungsod.
Dahil dito, binigyang diin ni Del Rosario na hindi accurate ang obserbasyon ng senador dahil ang lahat aniya ng public infrastructures na ginagawa ng tfbm sa “most affected area ” ay pinondohan ng national government.
Aniya, mayroong karagdagang pondo na nakapaloob sa 2021 Proposed national budget na aabot sa P5 bilyong piso na para sa vertical and horizontal infrastructures, kung saan sapat aniya ang alokasyong ito para matapos “by December 2021” ang Lahat ng rehabilitation Projects sa Marawi City.
Samantala, nilinaw naman ni Del Rosario na ang mga Grant o donation na aabot sa P10.5-Billion, ay nakalaan o gagamitin sa labas ng “most affected area” ng Lunsod ng Marawi, gaya aniya ng pagpapatayo ng Transcentral Road sa labas ng “most affected area” sa paligid ng Marawi.
Habang may inilaan din dito na para sa pagpapatayo ng libu-libong permanent shelter na para sa mga labis na naapektuhan ng naganap na 2017 Marawi siege. (Daris Jose)
-
COA piniga sa P16-M safehouse rentals na nagastos ng OVP sa loob ng 11 araw
GUMASTOS ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte ng P16 million na hinugot sa P125 million confidential funds noong 2022, kabayaran para sa renta ng mga safe house para sa 11 araw. Ang OVP accomplishment report ukol sa P125 million confidential fund nito noong 2022 ang ipinresenta ng Commission on Audit sa isinagsagawang imbestigasyon […]
-
Mga nasawing bata sa Ukraine simula nang salakayin ito ng Russia, umabot na sa 71; mahigit 100 indibidwal, sugatan
UMABOT SA 71 ang bilang ng mga batang nasawi habang nasa mahigit 100 naman ang nasugatan sa Ukraine simula nang salakayin ito ng Russia noong Pebrero 24. Inihayag ito ng isang Ukrainian parliament official na si Lyudmyla Denisova kasunod ng ginawang pambobomba umano ng Russia sa isang children’s hospital sa Mariopol City sa […]
-
Inisa-isa ang magiging bahagi ng anniversary concert: ICE, nagpasalamat at binalikan ang mga alaala kina MARTIN at GARY
SUNOD-SUNOD ang Facebook at Instagram post ni Ice Seguerra para sa mga special guest niya sa ‘Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert’ na magaganap ngayong October 15 (Saturday, 8 pm) sa The Theater at Solaire. Para sa singer-songwriter at direktor na rin, dream come true nga na makasama ang dalawang OPM icons na […]