• October 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LRTA: Fare hike di minamadali

WALA sa plano ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na madaliin ang pagpayag na magkaroon ng pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Lines 1 & 2.

 

 

“The fare hike request must go through the regulatory process such as public consultations. Thus, there is no rush the approval of a petition for fare increasein LRT 1 & 2,” wika ni LRTA administrator Hernando Cabrera.

 

 

Ayon kay Cabrera na tatlo lamang na miyembro ng LRTA board ang nagbigay ng approval kasama na siya, isang miyembro mula sa pribadong sektor at ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LRTA) mula sa siyam (9) na miyembro ng board.

 

 

Binigyan naman ni Cabrera ng assurance ang publiko na ang parehong LRT 1 & 2 ay hindi magpapatupad ng pagtataas ng pamasahe ng walang approval mula sa majority ng LRTA board.

 

 

Noong isang linggo,mula sa isang resolusyon na nilabas, ang LTFRB ay nagbigay ng mungkahi na magkaroon ng adjustment sa pasaheng LRT 1 & 2 na P2.29 para sa boarding fare at P0.21 kada kilometro.

 

 

Kung papayagan ng LRTA board ang nasabing fare adjustment, ang magiging bagong boarding fee ay P13.29 habang ang distance fee ay tataas ng P1.21 kada kilometro para sa dalawang rail lines.

 

 

Sa kasalukuyan, ang pasahe sa LRT 1 na single-journey tickets ay may range na mula P15 hanggang P30 depende sa distance habang ang base fare para sa stored-value o reloadable tickets ay P11.

 

 

Samantala, ang aktibistang grupo na Bagong Alyansang Makabayan ay nanawagan sa Department of Transportation (DOTr) na balewalain ang resolusyon ng LTFRB na pumapayag sa pagtataas ng pamasahe sa LRT 1 & 2.

 

 

“There is no other recourse at this point but to deny the fare increase given the current inflation rate and the infirmities in the concession agreement with the private operator, which is LRMC,“saad ni Bayan secretary general Renato Reyes.

 

 

Nagtanong din ang grupo na kung bakit kasama ang LRT 2 sa pagtataas ng pamasahe naayon sa kanila ay may pondo mula sa pamahalaan samantalang ang petitioner na LRMC ay namamahala lamang ng LRT 1.  LASACMAR

Other News
  • P936 MILYON NA ASUKAL, NATUKLASAN SA BODEGA SA BULACAN

    NAGSAGAWA ng inspeksyon ng Bureau of Customs (BOC) kasama ang ilang ahensya ng gobyerno ang ilang warehouse sa Meycauayan Bulacan nitong Huwebes     Naglabas ang BOC  ng siyam na Letter of Authority at Mission Orders laban sa mga may-ari, kinatawan, o sinumang may hawak ng mga imported na kalakal na nakaimbak sa mga bodega. […]

  • Bloke-blokeng marijuana, nasabat sa kelot sa Tondo

    KUMPISKADO ang higit P200-libo halaga ng bloke blokeng marijuana mula sa isang suspek na nadakip sa isang operasyon sa Tondo.   Ayon sa pulisya na kinilala ang suspek na si Edward Figueroa, 37, may-asawa at residente sa Nava St., sakop ng Balut, Tondo na nahulihan ng mga bloke ng umanoy marijuana na may bigat na […]

  • Kiefer ‘di pinayagan ng PBA

    Hindi masisilayan si Kiefer Ravena suot ang Shiga Lakestars sa Japan B.League.     Ito ay matapos magdesisyon ang PBA Board of Governors na huwag pahintulutan si Ravena na makapaglaro sa Japanese league.     Nais ng PBA na sundin ni Ravena ang nakasaad sa kontrata nito sa NLEX Road Warriors.     “The PBA […]