• December 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Manny, ‘di talaga approve sa pagbo-boxing ni Jimuel

WALA raw problema kay Senator Manny Pacquiao ang pagiging celebrity din ng kanyang mga anak.

 

Ang panganay na si Jimuel ay isa nang amateur boxer. Si Michael ay nakikilala sa kanyang pagiging musician at si Princess naman ay isang vlogger.

 

Pero inamin ni Pambansang Kamao na sa mga ginagawa ng kanyang mga anak, hindi siya approve sa pagiging boksingero ni Jimuel. Kung siya lang daw ang masusunod, di niya papayagan ang kanyang panganay na makipag-boxing.

 

“Labag lang sa loob ko yung boxing. Yung panganay ko gustong mag-boxing talaga. Sige lang. Gusto raw niya ma-experience yung boxing, so sige lang. Pero kung ako ang tatanungin talaga, ayaw ko kasi mahirap naman talaga yung boxing.

 

“Ngayon, pinaparanas ko sa kanya yung hardwork training para malaman niya na hindi pala ganun kadali yung boxing,” diin ni Manny.

 

Ayaw isipin ni Manny na may isa sa mga anak niya na susunod sa kanyang yapak bilang isang legendary boxer.

 

“Boxing is a serious sport, na pwede mong ikamatay. Naranasan ko ‘yan na muntik na akong maano diyan sa boxing. Kaya ayaw ko namang maranasan pa ng mga anak ‘yung mga ganung experience.

 

“Ang boxing kasi is one-of-a-kind, you need to be a pro warrior to enable to sustain and fight in the ring. Ibig kong sabihin, hindi lang ‘yung pa-boxing-boxing ‘tapos lalaban ka, hindi ganun ang boxing.

 

“Ang boxing talaga, it will need your focus, your sacrifices, hardwork, and discipline. Lahat ng katangian dapat alam mo dahil ang boxing, pwede kang mamatay.

 

“Like in my experience, dalawa sa kasama ko ang namatay, ‘yung kaibigan ko pa, talagang nangyayari ‘yung ganun hindi maiiwasan,” babala pa ni Manny.

 

Sa Youtube vlog naman ni Jimuel, pinahalagahan nito ang mga naging sakripisyo ng kanyang ama bilang isang boksingero.

 

“It makes me realize the hardwork talaga that my dad did. Before, you know, he used to sleep in the gym. Ang trabaho niya lang talaga is to box lang for money kasi they’re really poor before.

 

“Lagi niyang ikinukuwento ‘yan, sometime when we’re having dinner lang, ‘yung mga pinagdadaanan niya dati. Like, he has to work a job pa after training and before training, so it’s really, really super hard.

 

“Wala pa siyang masyadong kinakain noon kasi mahirap daw maghanap ng pagkain. I just feel very blessed and it motivates me to work as hard as him.”

 

*****

 

MAGKASAMA na ulit ang mag-partner na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo pagkatapos ng limang buwang magkahiwalay.

 

Dumating si Philmar sa Manila from Siargao kamakailan at masaya si Andi na complete family na ulit sila.

 

Uuwi raw sila sa Siargao kapag nakapanganak na si Andi. Kasalukuyang 30 weeks pregnant na si Andi sa second baby nila ni Philmar.

 

Ibig sabihin ay sa Manila magpa-Pasko at Bagong Taon ang pamilya ni Andi at Philmar.

 

Pinost ni Andi ang reunion nila sa kanyang YouTube channel.

 

“We’re here quarantining with Philmar in our house. Okay lang na hindi muna kami nakauwi ng Siargao as long as we’re complete. We’re so excited because nandito pa rin kami sa bahay, but we have Philmar now and we’re complete and we’re so excited to be sharing more of our days in the life here in the city eventually until we give birth and make our way back to the island.”

 

Umabot sa higit sa 1 million views in just two days ang video na “Our Happy Island Fam Reunion”.

 

*****

 

SA gitna ng COVID-19 pandemic, nagawa pa rin ng mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao na makapagpagawa ng kanilang dream house.

 

Nai-share ni Camille via Instagram ang construction ng kanilang bahay na na-delay ang pagtapos dahil sa ilang buwang lockdown at sinabayan pa ng magkakasunod na bagyo.

 

Ngayon ay dire-diretso na raw ang trabaho and hopefully, kung wala nang delay ay matatapos ito sa pagpasok ng 2021.

 

“Dreaming together and allowing God to make things happen @vjyambao1,” caption ni Camille sa IG post.

 

Ngayon lang daw naranasan ni Camille ang ma-stress dahil sa pagpapagawa ng bahay. Sa first marriage kasi niya ay gawa na ang bahay na pinatayo ng late husband niyang si Anthony Linsangan bago pa sila kinasal.

 

Kaya minsan daw ay nagugulat sina Camille at VJ sa laki na nang nagagastos nila sa pinapagawang bahay.

 

Pero kinakaya naman daw ng mag-asawa ang lahat dahil para sa kanilang mga anak ang pinapatayo nilang bahay. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • US idedepensa Pinas vs pag-atake sa South China Sea

    INULIT  ni US Vice Pre­sident Kamala Harris ang pangako ng Amerika na ipagtatanggol ang Pilipinas sakaling magkaroon ng armadong pag-atake sa South China Sea.     Sa pakikipagpulong kay Pangulong Ferdi­nand Marcos Jr. sa Ma­lacañang, binanggit ni Harris ang 1951 Mutual Defense Treaty na batayan para ipagtanggol ng Amerika ang Pilipinas.     “An armed […]

  • ‘Poblacion girl’ hindi idedeklarang persona non grata ng Makati City – Mayor Binay

    Tumanggi ang Makati City na ideklarang persona non grata si Gwyneth Anne Chua, ang Pilipinang tumakas sa kanyang quarantine at nakahawa sa marami sa kanyang mga nakahalubilo.     Sa halip ay hinimok ni Mayor Abby Binay ang mga business establishments at mga indibidwal na tinamaan ng COVID-19 na ireklamo si Chua matapos itong tumakas […]

  • HANDA NA SA FACE-TO-FACE CLASSES, AYON SA DOH

    HANDA  na ang bansa para sa  face-to-face classes sa kabila ng pagtaas ng kaso COVID-19 ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.     “Well, at this point that you ask me, right now, I can say that we are ready. Ma-sustain lang natin na ang mga kaso nga like the ordinary flu — it’s […]