• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Tito, nag-file ng bill para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN

NATUTUWA kami dahil nag-file ng si Senator Tito Sotto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

 

Pero sana ay inayos muna ni Senator Tito ang kanyang statement regarding the said bill para hindi siya napupulaan ng mga netizens.

 

Sabi kasi ng senator na he is filing a bill for the renewal of the franchise of ABS-CBN.

 

Correct me if I am wrong pero dapat po yata ang i-file na bill ay application ng bagong franchise for ABS-CBN, hindi po renewal kasi nga po expired na ang franchise ng Kapamilya network.

 

Ang nangyari po sa Kongreso last year ay bumoto ang mga mambabatas para hindi mabigyan ng bagong prankisa ang ABS-CBN.

 

Kaya siguro po ay application for a new franchise for the Kapamilya Channel ang kailangan para magkaroon ng pagkakataon na makabalik sa ere ang ABS-CBN.

 

Pero may narinig kaming chika na hindi raw na-resolve sa Kongreso kung dapat ba raw ay renewal at hindi bagong franchise ang dapat ibigay sa network.

 

May dating application for renewal na pending pero hindi natalakay. Pero ang ibang mambabatas naman daw ang sinasabi ay dapat mag-apply ng bagong franchise.

 

Naawa kami sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho dahil sa moro-moro na nangyari sa Kongreso.

 

Very obvious naman na pinagkaisahan ng mga kaalyado ng occupant ng Malacanang ang ABS-CBN kaya di ito nabigyan ng franchise kahit na wala naman itong violation.

 

Kaya sana may magandang maidulot itong bill na ipa-file ni Senator Sotto para mabigyan ng bagong franchise ang Kapamilya network.

 

Hindi namin sure kung dapat sa Kongreso magsimula ang panukalang batas para mabigyan ng franchise pero kasama kami sa maraming Pilipino na nagdarasal na sana muling makabalik sa ere ang ABS-CBN.

 

***

 

RODERICK, malapit nang magsimulang mag-shoot ng comeback movie

 

AFTER the long wait dahil sa pandemic, malapit na magsimula ang shoot ng Mudrasta, ang comeback movie ni Roderick Paulate.

 

Last year pa na-seal ang deal na ito between Kuya Dick and TREX Entertainment Productions. May naka-schedule na dapat na presscon to announce the project kaso nagkaroon ng pandemic.

 

Ayaw naman ni Sir Rex Tiri, ang amiable producer ng TREX na mag-shoot habang may pandemic kaya na-delay. Safety first muna, sabi ni Sir Rex.

 

Kaya sa shoot ng Mudrasta ay magpapatupad sila ng health protocols for the safety of the stars and the staff.

 

Inaayos muna ang casting kaya hindi pa pwede i-announce kung sino ang co-stars ni Kuya Dick.

 

Siyempre excited na rin si Kuya Dick na bumalik sa film acting. Matagal na rin naman siyang walang pelikula. (RICKY CALDERON)

Other News
  • Djokovic nahigitan na si Federer sa may pinakamatagal na pagiging numero 1

    Nahigitan na ni Novak Djokovic ang record na hawak ni Roger Federer sa may pinakamaraming linngo na nanatili sa unang puwesto sa world ranking.     Umaabot na kasi sa 311 linggo na nananatili sa unang puwesto ang Serbian tennis star.     Nalagpasan na nito ang 310 na linggo na hawak ng Swiss tennis […]

  • DOTr target na i-upgrade ang MRT-3 matapos ang surprise inspection dito

    MAY inilatag na rekomendasyon si Transportation Secretary Jaime Bautista  hinggil sa pagpapahusay ng serbisyo ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos ang  surprise inspection sa  rail line noong Lunes.     Sa isang Facebook post, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na nagbalatkayo o nagpanggap si Bautista bilang isang ordinaryong mananakay  na walang ” […]

  • PBBM sa DA: Streamline processes to lower prices

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Agriculture (DA) na i-promote ang madaling pagnenegosyo sa bansa base sa kanilang pamamaraan partikular na ang pag-alias sa non-tariff barriers sa importasyon ng agricultural products, para maibaba ang presyo at tiyakin ang suplay. Inihayag ito ni Pangulo sa Administrative Order (AO) No. 20 na nilagdaan ni […]