• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senado binigyang pagkilala ang tagumpay ng Powerlifter ng bansa sa 2022 Southeast Asian Cup

Binigyang kilala ng senado ang Powerlifting Association of the Philippines dahil sa paghakot nila ng mga medalya sa katatapos na 2022 Southeast Asian Cup sa Malaysia.

 

 

Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na mayroong kabuuang 78 medalya ang kabuuang nakuha ng Pilipinas.

 

 

Sa nasabing bilan ay mayroong 23 gold medals, 13 silver medals at 13 bronze medals ang nakuha ng men’s team.

 

 

Habang ang women’s team ay mayroong 21 gold medals, apat na silver medals at apat na bronze medals.

 

 

Bukod pa dito ay mayroong 10 bagong Asian records ang nakamit ng Pilipinas.

 

 

Ang mga atletang kinilala ng senado ay sina: Rafael Renzo Cahilig, Nestor Redulla Jr., Francis Oliver Retardo, Emilio Lorenzo Florendo, James Emmanuel Sy, Ross Emanuel Teodosio, Maphi Daniel Polvora, Jalen Cytienne Cruz, Lance Gabriel Laquian, Rhodison Jay Esmundo, Merwin Torres, Joyce Gail Reboton, Ma. Angelica Savillo, Jeremy Reign Bautista, Christine Erine Alejandro, Charlene Raye Tugade, April Iris Williams, Rikki Dianne Saul, Jeremy Reign Bautista at Bea Piedad. (CARD)

Other News
  • 22-K bilanggo pinalaya – Año

    Humigit kumulang 22,000 detainees ang pinalaya sa hangad na luwagan ang mga overcrowded nang bilangguan sa buong bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sa isang statement, sinabi ni DILG chief Eduardo Año na 21,850 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula Marso 17 hanggang Hulyo 13 sa loob ng 470 kulungan na hawak […]

  • P125 million confidential funds ni VP Sara Duterte, tinuligsa ng mambabatas

    TINULIGSA ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang idinepensang P125 million confidential funds na nakalaan sa opisina ni Vice President Sara Duterte.     Ayon sa mambabatas, ang kontrobersiyal na kaso ay hindi lamang “theoretical” kundi naging sanhi para hindi mailaan ang naturang milyong pisong pondo sa mga Pilipino […]

  • 100 FILIPINO NURSES, WANTED SA 2 KLINIKA SA MARRAKECH

    NAGHAHANAP ng 100 Filipino nurses  ang dalawang klinika sa Marrakech , ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Moroccan capital city.     Sinabi ni Labor Attaché Dominador Salanga na ang  POLO ay nagpadala ng dalawang memo na humihiling sa Philippine Overseas Employment Administration na maglaan ng mga slots para sa estado ng North […]