Senate probe sa ‘pirma sa people’s initiative’ gumulong na
- Published on February 1, 2024
- by @peoplesbalita
SINIMULAN na Martes ng hapon sa Senado ang pagdinig sa kontrobersyal na signature drive para sa people’s initiative na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution.
Ang imbestigasyon ay isinagawa ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation, na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos.
Ipina-subpoena si Atty. Anthony Abad na sinasabing nasa likod ng signature campaign.
Ayon kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, mahalagang mabunyag at makita ang mga pasimuno sa nasabing signature campaign kahit pa sinuspinde na ng Commission on Elections ang pagtanggap ng mga pirma.
“Kahit po suspendido ng COMELEC ang pagtanggap ng mga pirma, kailangan pa rin nating bigyang linaw kung paano at sino ang mga nanloko sa ating mga kababayan para makakalap ng pirma para sa Politician’s Initiative,” ani Dela Rosa.
Dapat aniyang mabigyan ng mukha at makilala ang katauhan ng sinasabing pasimuno sa kampanya.
“Layon po natin na mabunyag at bigyan ng mukha at katauhan ang mga nagpasimuno ng panlilinlang at pagsasamantalang ito. Sa panahon na atin na silang matukoy, siguro ay maaaring isama ng komiteng ito, sa pangunguna ng ating Chairperson, na makabuo ng rekomendasyon na magsampa ng kaukulang mga kaso. Papanagutin natin ang mga mapagsamantala at manloloko,” ani Dela Rosa.
Binanggit din ni Dela Rosa na hindi na dapat maulit ang nasabing pangyayari kung saan napipilitan ang mga mahihirap na ipagbili ang kanilang lagda kapalit ng konting pera. (Daris Jose)
-
Mapayapang BARMM polls, susi sa Mindanao Peace Process- PBBM
BINIGYANG -DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan para sa mapayapang pagdaraos ng halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa susunod na taon. Sinabi ni Pangulong Marcos, ang electoral process ang susi para sa kapayapaan sa Mindanao. Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang naging pagdalo […]
-
JOHN LLOYD, inamin wala sa plano at ‘di pa handa nang dumating si ELIAS MODESTO
ANG multi-awarded, box-office actor na si John Lloyd Cruz ang naging special guest ni Karen Davila sa kanyang kauna-unahang podcast. Diretsahan tinanong si John Lloyd, ano ang ikina-pagod niya? “I guess I got tired of fighting for the content that I want to see like on more commercial platforms. […]
-
Christmas Tree Lighting ceremony sa Maynila, nagningning sa pamumuno ni Yorme Isko Moreno
Sinimulan na noong Lunes, Nobyembre 23 ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Lungsod ng Maynila matapos nating pailawan ang 45-feet Christmas Tree at ang mga parol sa Kartilya ng Katipunan. Pinailawan din ang mga dekorasyon sa Bulwagang Rodriguez ng Manila City Hall, pati na rin sa National Parks Development Committee, Intramuros Administration, National Museum of […]