• June 23, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senate probe sa ‘pirma sa people’s initiative’ gumulong na

SINIMULAN na Martes ng hapon sa Senado ang pagdinig sa kontrobersyal na signature drive para sa people’s initiative na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution.

 

 

Ang imbestigasyon ay isinagawa ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation, na pinamumunuan ni Sen. Imee Marcos.

 

 

Ipina-subpoena si Atty. Anthony Abad na sinasabing nasa likod ng signature campaign.

 

 

Ayon kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, mahalagang mabunyag at makita ang mga pasimuno sa nasabing signature campaign kahit pa sinuspinde na ng Commission on Elections ang pagtanggap ng mga pirma.

 

 

“Kahit po suspendido ng COMELEC ang pagtanggap ng mga pirma, kailangan pa rin nating bigyang linaw kung paano at sino ang mga nanloko sa ating  mga kababayan para makakalap ng pirma para sa Politician’s Initiative,” ani Dela Rosa.

 

 

Dapat aniyang ma­bigyan ng mukha at ma­kilala ang katauhan ng sinasabing pasimuno sa kampanya.

 

 

“Layon po natin na mabunyag at bigyan ng mukha at katauhan ang mga nagpasimuno ng panlilinlang at pagsasamantalang ito. Sa ­panahon na atin na silang matukoy, siguro ay maa­aring isama ng komiteng ito, sa pangunguna ng a­ting Chairperson, na makabuo ng rekomendasyon na magsampa ng kaukulang mga kaso. Papanagutin natin ang mga mapagsamantala at manloloko,” ani Dela Rosa.

 

 

Binanggit din ni Dela Rosa na hindi na dapat maulit ang nasabing pangyayari kung saan napipilitan ang mga mahihirap na ipagbili ang kanilang lagda kapalit ng konting pera. (Daris Jose)