• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senator Marcos namahagi ng mga bangka at lambat sa mangingisdang Navoteños

UMABOT sa 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ang natakatanggap ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco and Cong. Toby Tiangco.

 

 

Binati ni Mayor Tiangco ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa pagsisikap ng senador.

 

 

“We recognize the hardships that our fisherfolk experience and the sacrifices they make to give their families a better life. At the same time, we are grateful to Sen. Imee for the continuous assistance she extends to Navoteños,” ani alkalde.

 

 

“We encourage everyone to make the most of this opportunity. Continue to save up for your families and strive to own more fishing boats,” dagdag niya.

 

 

Samantala, pinaalalahanan naman ni Cong. Tiangco ang mga benepisyaryo na tumulong sa pangangalaga sa kapaligiran mula sa polusyon at pagkasira.

 

 

“Most Navoteños, including us, rely on the sea for our livelihood. It’s crucial that we keep our seas and oceans free from pollution to ensure a plentiful catch,” pahayag ni Cong. Toby.

 

 

Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng mga fiberglass boat na nilagyan ng 16-horsepower marine engine at underwater fittings, gayundin ng lambat, lubid, at fishing buoys.

 

 

Ang NavoBangkabuhayan Program ay inilunsad noong 2018 bilang isang inisyatiba upang matulungan ang mga mangingisda na magkaroon ng napapanatiling kabuhayan kung saan higit na 300 mga indibidwal ang nakinabang mula nang ilunsad ito.

 

 

Dumalo rin sa kaganapan si Regional Director Noemi SB. Lanzuela ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Capital Region, at G. John Romar Pedrigal, Market Specialist mula sa Department of Agriculture Agribusiness and Marketing Assistance Service, at mga opisyal ng lungsod. (Richard Mesa)

Other News
  • PAOLO, nagwi-wish na maging maayos ang pag-uusap nila ni LJ para madalaw si SUMMER sa Christmas

    NAKA-ATTEND si Alden Richards ng FinancePH Seminar online, kahit naka-quarantine siya in preparation sa pagbalik nila sa lock-in taping ng GMA Primetime series nilang The World Between Us.     Pinost ng ama niyang si Daddy Bae ang Certificate of Completion sa kanyang Instagram, na: “This acknowledges that RICHARD JR. FAULKERSON has attended on September […]

  • Dahil hindi alam kung saan dadalhin ang trophy: SHARON na nagwaging Best Actress, wanted sa GEMS Awards

    WANTED ng GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) si Megastar Sharon Cuneta.     Si Sharon kasi ang best actress winner ng GEMS Awards para sa Revirginized, ang unang Vivamax movie ng aktres.     Gusto sana nila tanungin si Ate Shawie kung saan nila pwede ihatid ang kanyang trophy.     Kaso kababalik […]

  • Kaso ng COVID-19 sa bansa, 49 na

    NADAGDAGAN pa ng 16 kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung saan 49 na ang kabuuang kaso sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH) as of March11.   Sa ngayon, agad na ikinakasa ng otoridad ang contact tracing sa mga nakasalumuha ng mga kumpirmadong kaso ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire […]