• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senior citizens, stay home muna hangga’t hindi pa nababakunahan ang 70% ng populasyon

BINIGYANG LINAW ng Malakanyang na hindi naman pinagbabawalan ang mga senior citizens lalo na’t kung “fully vaccinated” na ang mga ito laban sa covid 19 na lumabas ng kanilang tahanan.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, puwede aniyang lumabas ang mga senior citizens para bumili ng kanilang kinakailangan.

 

At kung kinakailangan aniya na pumunta sa mall at grocery para sa kanilang mga pangangailangan ay pinapayagan naman aniya ang mga ito na lumabas ng kanilang tirahan.

 

Bukod dito aniya ay pinapayagan din ang mga senior citizens na mag-ehersisyo para sa health promotion.

 

Kinakailangan aniya kasi na manatiling malusog ang mga senior citizens laban sa covid 19.

 

Subalit ang pagpapalabas aniya matapos na mabakunahan ay sinabi ni Sec. Roque na depende aniya ito kapag nakamit na ng Pilipinas ang population protection.

 

“Ibig sabihin, hindi lamang naman po ung nabakunahan ang kinakailangan na magkaroon ng proteksyon dahi kinakailangan na mas marami pa sa populasyon ang magkakaroon ng proteksyon dahil ang bakuna po is not a guarantee na hindi na kayo tatamaan ng covid. It is a guarantee na siguro ay hindi na kayo magkakasakit ng malala o hindi na kayo mamamatay pero iba po ang kondisyon ng mga seniors .. they are specially vulnerable. So, ang effect po ng bakuna sa isang malusog na kabataan ay hindi po kapareho sa isang matanda. So, let us veer on the safer side na hanggang wala pa pong population protection, habang hindi pa natin nababakunahan ang 70% ng ating populasyon .. stay home po muna ang ating mga lolo’t lola,” paliwanag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, nakatanggap na ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ang 12 porsyento ng senior citizen sa bansa.

 

“Ang mga senior citizens, ito yung mababa, nasa nine to 12 percent palang so medyo kailangan natin bilisan ito kasi ito yung mga vulnerable, itong age group na ito na 60 and above,” ani DOH Undersecretary Leopoldo Vega.

 

“Kailangan natin hanapin yung mga matatanda para mabakunahan kasi kailangan natin mai-prevent yung death sa age group na ito. Malaki pa naman ang population nito,” dagdag nito.

 

Tinatayang 10 hanggang 20 milyon ang senior citizen sa bansa.

 

“So, malayo pa tayo, so kailangan aggressive talaga ang paghahanap sa mga senior citizens para sa bakuna,” aniya.

 

Magkakaroon ng special lane para sa A1 hanggang A3 sa sandaling magsimula na ang pagbabakuna sa A4 o mga essential worker.

 

Prayoridad ng gobyerno na mabakunahan ang mga may edad 40 anyos pataas sa ilalim ng A4 category. (Daris Jose)

Other News
  • Abiso ni PDu30 na baka maulit ang lockdown dahil sa bagong COVID variant, hindi dapat pang ipagtaka -Malakanyang

    BAHAGI na ng estratehiya ng pamahalaan ang pagpapatupad ng lockdown ngayong panahon ng pandemya.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay makaraang sabihin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may posibilidad na muli itong ipatupad sa layuning mapigilan ang pagkalat ng mga bagong variant ng sakit.   Aniya, hindi naman nahinto […]

  • Warriors paborito na ng ilang analysts na papasok sa NBA championships

    BAHAGYANG  naibsan umano ang kumpiyansa ng ilang mga basketball analysts na muling aakyat sa kampeonato sa NBA ang number 1 ngayon sa Western Conference na Phoenix Suns.     Ito ay makaraang kumpirmahin ng koponan na baka abutin pa ng hanggang dalawang buwan sa pagpapagaling sa kanyang injury sa kamay ang veteran point guard na […]

  • PBBM, sa usapan ukol sa pagtanggap ng Afghans sa Pinas: May progreso pero may balakid

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroon ng progreso sa isinagawang pag-uusap ukol sa kung papayagan ng pamahalaan na pansamantalang manatili sa Pilipinas ang mga  Afghan nationals gaya ng naging kahilingan ng Estados Unidos.     Sinabi ng Pangulo na walang deadline sa pagdesisyon sa usaping ito.     Aniya, nagpapatuloy ang konsultasyon sa […]