‘Senior High’, more than 2 billion views na sa TikTok: ANDREA at KYLE, may pasabog na eksenang aabangan sa pagtatapos ng serye
- Published on January 11, 2024
- by @peoplesbalita
MABUBULGAR na ang lahat ng mga sikreto sa sinusubaybayang Kapamilya teleserye na “Senior High,” na kung saan mayroon na itong higit sa dalawang bilyong views sa TikTok, sa paglabas ng katotohanan sa pagpatay kay Luna (Andrea Brillantes) sa inaabangang “The Ender to Remember” finale sa Enero 19.
Pagkatapos ng matinding imbestigasyon, malalaman na rin sa wakas ni Sky (Andrea) mula kay Obet (Kyle Echarri) kung sino nga ba talaga ang pumatay sa kambal niyang si Luna.
Iigting naman lalo ang mga puso para makuha ang pagmamahal ni Sky dahil pag-aagawan siya nina Obet at Gino (Juan Karlos), ang dating mga nobyo ni Luna.
Pero hindi lang sila ang magpapakilig sa viewers dahil itutuloy ni Archie (Elijah Canlas) ang panliligaw niya kay Roxy (Xyriel Manabat), habang may posibilidad ding magkabalikan sina Tim at Poch (Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez).
Dapat din abangan ng mga manonood ang sunod-sunod na pasabog sa serye dahil tuluyan nang magwawala si Z (Daniela Stranner) sa Northford prom night dahil sa mga bangungot niya kay Luna.
Maglalabasan na rin ang lahat ng mga baho nina Harry at William (Baron Geisler at Mon Confiado) na maaaring magdulot ng mas malaking sigalot sa pagitan ng kani-kanilang mga pamilya.
Samantala, pahayag ni Andrea na may dapat i-expect ang KyleDrea fans sa pagtatapos ng ‘Senior High’, “sobra kasi kaming nagpapasalamat sa kanila (fans) at meron silang puwedeng i-expect sa eksena namin ni Kyle.
“Baka this week na ipalabas, feeling ko magugulat sila. Pero talagang inalagaan namin yung eksena at pinag-usapan namin.
“Kasi ang ganda kung paano siya sinulat para kay Obet at Sky. Sana magustuhan ng KyleDrea fans.”
Patuloy na kinakapitan ng mga manonood ang mas tumitinding mga rebelasyon sa “Senior High” matapos makakuha ng all-time high na 179,305 live concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube noong Enero 3 na episode.
Huwag palampasin ang “ender to remember” finale ng “Senior High” sa Enero 19 ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Senior High.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
(ROHN ROMULO)
-
NBA legend Bill Russell pumanaw na, 88
PUMANAW na si NBA Legend Bill Russell sa edad na 88-anyos. Kinumpirma ito ng kanyang kampo, subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kaniyang pagpanaw. Isang kilalang basketbolista si Russel mula pa noong ito ay nasa high school pa. Nagwagi ito ng dalawang state championsip sa high school, […]
-
Sa pagtulong sa mga nangangailangan, walang politika- in helping the needy – DSWD
NANINDIGAN si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na walang halong politika sa pagtulong ng departamento sa mga nangangailangan o humihingi ng tulong. Sinabi ni Gatchalian na tumutulong sila sa mga nangangailangan kahit mayroon o walang referral mula sa mga politiko. “Every day naman kahit walang referral ‘pag […]
-
Blackwater parurusahan ng PBA; iligal na nag-ensayo
Nabisuhan ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial ang management ng Blackwater upang magpaliwanag kaugnay sa sinabi sa interview ng may-ari ng team sa national television na sumabak na sa workout ang Elite noong nakaraang linggo. Sa sulat na pirmado ni Marcial na may petsang July 14 at naka-address kay team governor Silliman […]