• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Seniors na kumpleto bakuna vs COVID-19 makalalabas na sa GCQ, MGCQ areas

Pahihintulutan na lumabas ng kani-kanilang bahay ang mga edad 65-anyos pataas na lumabas ng bahay sa gitna ng coronavirus disease pandemic, basta kumpleto na ang kanilang dalawang doses ng bakuna.

 

 

Huwebes kasi nang magpulong-pulong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) patungkol sa isyu.

 

 

“Subject ito sa mga kondisyon tulad ng pagdadala ng duly issued vaccination card at pagsunod sa minimum heath protocols,” sabi ni presidential spokesperson Harry Roque, Biyernes, ayon sa ulat ng GMA News.

 

 

Bago ginawa ni Roque ang anunsyo kanina, tanging edad 18-65 lang ang pwedeng lumabas-labas ng bahay kung walang essential travels, lalo na’t mataas ang risk ng mga nakatatanda sa mga mas malalalalang komplikasyon at pagkamatay dahil sa COVID-19.

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum, sa ika-16 ng Hunyo pa ito tuluyang papayagan ng gobyerno alinsunod sa pag-uusap ng IATF. (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 1, 2020

  • Sharonians nabulabog at kinilig: SHARON at RICHARD, aksidenteng nagkita sa airport papuntang Cebu

    NABULABOG na naman ang mga Sharonians sa Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta na kung saan after three years ay muli silang nagkita ni Richard Gomez habang naghihintay sa airport papuntang Cebu. Makikita sa series of photos sa masayang pagkukrus ng landas nina Shawie at Goma. “And who should I bump into in the airport […]

  • P17.4 million kontribusyon ng OFWs ibinulsa

    Aabot sa P17.4 milyong halaga ng PhilHealth premiums o kontribusyon na kinolekta sa mga overseas Filipino workers ang ibinulsa umano ng “sindikato” sa Philippine Health Insurance Corporation.   Ayon kay Ken Sarmiento, dating Senior Auditing Specialist ng PhilHealth, na noong nakatalaga pa siya sa Operations Office ng PhilHealth sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay […]