Sentimyento ni FL Liza Marcos, ipinagtanggol ni PBBM
- Published on April 25, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAGTANGGOL ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si First Lady Liza Marcos sa mga sentimyento at saloobin nito laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang panayam sa Occidental Mindoro sinabi ng Punong Ehekutibo na hindi sanay sa pulitika ang kaniyang asawa.
Sinabi ng Pangulo na hindi kasi gaya nila na manhid na sa mga pang-iinsulto ng mga kalaban sa pulitika at mga kritiko.
Ang first lady kasi ay hindi galing sa pamilya ng mga pulitiko.
Ayon kay Pang. Marcos, mukhang kailangan pang matuto ng Unang Ginang na magpalagpas ng masasakit at maaanghang na salita.
Pero natutuwa naman ang Presidente at masuwerte daw sya na very protective sa kanya ang first lady.
Hindi naman aniya ito masisisi kung sumama ang loob sa mga hindi magagandang sinabi laban sa kanila. (Daris Jose)
-
Mt. Kanlaon, sumabog; 5000-meter plume, naitala – Phivolcs
NAGLABAS ng alerto ang Mt. Kanlaon na matatagpuan sa Negros Island. Sa ongoing eruption at Kanlaon Volcano, nakita ang nalikhang 5,000-meter plume. Ayon sa Phivolcs, tumagal ng anim na minuto ang pagsabog bandang 6:51 ng gabi na sinundan ng malalakas na volcanic-tectonic earthquake. Dahil dito, nananatili ang […]
-
Pagrampa ni SANYA na naka-red bikini sa ‘First Yaya’, nag-top trending sa YouTube
NAG–ENJOY ang netizens sa panonood ng romantic-comedy series na First Yaya, sa episode na nagpapakita kay Sanya Lopez, wearing a red-bikini habang rumarampa bilang si Yaya Melody, at nganga lahat ng mga nakakita sa kanya. Nag-top trending iyon sa YouTube at ilang oras lamang after nai-showing ay umani na ito ng more than […]
-
Fuel subsidy para sa mga magsasaka, mangingisda maaaring ipalabas na
MAAARING ipamahagi ng Department of Agriculture (DA) ang fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda sa huling linggo ng Marso o unang bahagi ng Abril. Sinabi ni Agricuture Assistant Secretary Noel Reyes, ang 162,000 corn farmers at fishers ang makikinabang mula sa ₱500-million subsidy. Ang bawat benepisaryo ay makatatanggap ng ₱ 3,000 […]