SEPS Online ng Bulacan, wagi ng Best in LGU Empowerment Award sa DGA 2021
- Published on November 9, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Iniuwi ng Socio Economic Profile System (SEPS) Online ng Lalawigan ng Bulacan ang Best in LGU Empowerment Award – Best in Interoperability Award (Province Level) sa ginanap na birtwal na Digital Governance Award 2021 sa pamamagitan ng Zoom noong Oktubre 29, 2021.
Tinanggap ni Gobernador Daniel R. Fernando na kinatawan ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia Constantino, kasama sina Inh. Rhea Liza Valerio, pinuno ng Provincial Information and Technology Office (PITO) at Officer-In-Charge ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) Inh. Randy Po ang parangal mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of the Interior and Local Government (DILG), at National ICT Confederation of the Philippines (NICP).
Ayon kay Constantino, magsisilbing inspirasyon ang parangal para sa patuloy na paglulunsad ng mga solusyon kabilang ang pagbibigay ng mas mabuting serbisyo lalo na sa mga panahon ng pagsubok, at upang maging inklusibo sa lipunan at sa ekonomiya para sa ikabubuti ng mga mamamayan.
“Digital tools and social media have empowered people to widespread access to information and global connection. We, at the Provincial Government of Bulacan, are using technology to be more transparent, accountable and inclusive,” anang Panlalawigang Tagapangasiwa.
Pinasalamatan rin niya ang PITO at PPDO at lahat ng mga kawani nito sa pangunguna para makamit ang isa na namang tagumpay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.
Ginawang posible ng SEPS Online para sa parehong pampubliko at pribadong mga institusyon, mananaliksik, mag-aaral, at sa publiko na ma-access ang Socio-Economic Profile ng mga lokalidad ng real time at agaran matapos lamang ang pagsasara ng taon ng SEP sa sistema, kumpara sa luma at kumbensyunal na pamamaraan na karaniwang inaabot ng isang buong taon bago maisapubliko.
Ang DGA ang taunang pagpaparangal sa mga pinakamahusay na kasanayan ng mga lokal na pamahalaan sa paggamit ng information and communications technology (ICT) upang epektibo at episyenteng maiparating ang serbisyo-publiko sa mga mamamayan at mangangalakal.
-
Ads January 15, 2021
-
Non-showbiz girlfriend, ayaw pag-usapan: DAVE, isa rin sa mga hunk actors na pinagpapantasyahan
ISA rin si Dave Bornea sa mga hunk actors ng GMA na pinagpapantasyahan sa Instagram, ano ang mensahe niya sa mga nagpapantasya sa kanya? “Ano lang, gawin niyo lang akong inspirasyon, yun lang naman talaga yung purpose ko e, makapagbigay lang ng inspirasyon sa mga taong nanonood sa akin, e. “Iyon lang, sana […]
-
Kakulangan ng security paper para sa Certificate of Registration ng mga sasakyan, nalutas na ng LTO
NARESOLBA na ng Land Transportation Office (LTO) ang nagbabadyang kakulangan ng security paper na ginagamit sa pag-imprenta ng mga certificate of registration para sa mga sasakyan. Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, nagsimula na sila ng mga paghahanda matapos nilang mapansin ang kakulangan ng security paper noong Agosto […]