• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Serbisyong tapat at totoo itutuloy ni Mayor Honey

TINIYAK ni Manila Mayor Honey Lacuna sa harap ng Simbahan at mahigit 12,000 taga-suporta  na kanyang  itutuloy ang naumpisahang serbisyo para sa Manilenyo na “tapat, totoo, hindi korap, hindi manloloko at hindi kailanman mang-iiwan.”
Ani Lacuna, ito ang prinsipyong ipagpapatuloy niya at ng buong Asenso Manileño sa isang pangako na kanilang binitiwan sa harap ng   Loreto Church sa  Sampaloc,  kung saan niya pinangunahan ang buong tiket ng Asenso Manileño bilang pagsisimula ng kampanya nila nitong Biyernes sa pamamagitan ng isang proclamation rally na isinagawa sa Earnshaw,  kung saan napuno maging ang mga katabing kalye at iskinita doon.
“Sa harap mismo ng Simbahan ng Loreto, mangangako tayo  na sa ating pamilya, walang iwanan! Dahil ang nang-iiwan sa pamilya, ay nang-iiwan sa samba­yanan! Napakarami na nating nagawa at hindi tayo papayag na ang mga ito’y maliitin o insultuhin, ninuman. Hindi man perpekto, ang Maynila natin, hindi  rin ito dugyot.  Ang Maynila natin ay puno ng pangako at pag-asa,” pahayag ni Lacuna.
Pinamumunuan nI Lacuna ang Asenso Manileño na muling idineklara ng Commission on Elections (Comelec) bilang nangingibabaw na partido sa Maynila, kung saan kasama niya si incumbent Vice Mayor Yul Servo, lima sa anim na  incumbent Congressmen at  majo­rity ng mga miyembro ng Manila City Council, na pawang tumatakbo sa ilalim ng ticket ni Lacuna. Ang limang incumbent Congressmen ay sina Congressman Rolan Valeriano (2nd district), Congressman Joel Chua (3rd district), Congressman Edward Maceda (4th district), Congressman Irwin Tieng (5th district) at Congressman Benny Abante, Jr. (6th district). Ang ikaanim na Congressman ay kinumpleto ng nagbabalik na first district Congressman Manny Lopez, anak ni dating Mayor Mel Lopez, Jr.,  habang si Dr. Giselle Maceda ang hahalili kay Rep. Edward na matatapos ang ikatlong termino sa Hunyo.
Hiniing ng alkalde sa mga residente na manati­ling nagkakaisa sa likod ng pamilya Asenso Manileño sa pagtataguyod ng  mabuting prinsipyo, mabu­ting asal at pag-uugali at dangal, pagdating sa pamamahala ng lungsod.
Other News
  • ‘One-time, big-time’ tigil pasada ikinakasa!

    NAGBANTA ang isang transport group na magtitigil-pasada at magsasagawa ng ‘one-time, big-time’ na transport strike, kung hindi pagbibigyan ng pamahalaan ang kanilang hiling na ibalik muna ang hiling na pisong provisional increase sa pasahe.     Binigyan lamang ng grupong Liga ng Transportasyon at mga Operators sa Pilipinas (LTOP) ang Land Transportation Franchising and Regulatory […]

  • 10 sugatan matapos araruhin ng SUV sa Parañaque City

    SUGATAN ang sampung katao matapos silang araruhin ng isang SUV sa bahagi ng Baclaran Church sa Parañaque City noong Pebrero 12 , Miyerkoles.   Nangyari ang aksidente bago mag alas 10:00 ng gabi kung saan marami pang tao sa bahagi ng Baclaran dahil araw ng Miyerkules.   Ayon kay Major Jolly Santos ng Parañaque Police […]

  • Never naisip na papasukin ang pulitika: WALLY, mas enjoy talaga na magpatawa kesa kumanta

    MATAGUMPAY ang concert tour nina Wally Bayola at Jose Manalo sa Canada na kung saan tatlong shows ang ginawa nila para sa mga Pilipinong naka-base sa Vancouver, Calgary at Saskatoon.     Mainit nga ang pagtanggap sa kanila ng mga Pinoy roon na nasabik sa Filipino performers matapos mahinto ang mga events dahil sa pandemya […]