• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Serena vs Venus sa Top Seed Open

Nagbalik si Serena Williams sa paglalaro matapos mamahinga dahil sa COVID-19 outbreak at talunin si Bernarda Pera upang maikasa ang ikalawang laban kontra sa kanyang kapatid na si Venus sa Top Seed Open sa Lexington, Kentucky.

 

Haharapin ng top seed na si Serena si Venus matapos naman nitong talunin si dating world number one Victoria Azarenka 6-3 6-2 sa first-round match.

 

Medyo hindi maganda ang simula ni Serena sa unang set kontra sa kapwa American na si Pera, pero agad din nitong nakuha ang kanyang kumpiyansa at kumana ng pitong aces at sumagip ng 11 sa 13 break points upang manalo sa iskor ng  4-6 6-4 6-1.

 

“It’s good just in general because I haven’t played. A lot of players have been playing – little things and little matches and playing against other players – but I’ve only been training so this was really good for me,” ani Serena na nangakong lalaro rin sa US Open sa Aug. 31 hanggang Sept. 13

Other News
  • Kai Sotto pumuntos ng 8 points pagbalik sa Adelaide

    Malaking tulong si KAI Sotto mula sa bench para sa Adelaide 36ers nang talunin nila ang Melbourne United, 91-86, sa 2022-23 NBL season noong Huwebes sa John Cain Arena.   Umiskor ang Filipino center ng walong puntos sa 17 minutong paglalaro, kasama ang apat na rebounds, isang assist, at isang steal.   Ito ay isang […]

  • Dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa ika-6 na sunud-sunod na linggo, asahan

    MULING magtatakda ng pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa ika-anim na magkakasunod na linggo.     Tataas mula P1.10 hanggang P1.30 ang singil sa kada litro ng gasolina.     Habang nasa P1.00 hanggang P1.10 naman ang magiging dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.     Papatak naman sa […]

  • 50th MMFF, paghahandaan na ng MMDA: VILMA at CEDRICK, aabangan kung magwawagi uli sa ‘Manila International Film Festival’

    KINUMPIRMA ni MMDA chairman Atty. Romando Artes na noong ika-7 ng Enero, ang opisyal na pagtatapos sana ng 49th Metro Manila Film Festival, ang 10 pelikulang pinalabas ay sama-samang nakapagtala ng P1.069 bilyon, na kinabog ang dating record na hawak noong 2018 edisyon ng taunang pagdiriwang.       Ang 44th MMFF ay nakapagtala ng […]