Serial killer at ‘puting van’ sa pangingidnap, ‘di totoo
- Published on August 26, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI totoo na may serial killer at grupo ng mga kriminal na nakasakay sa puting van na responsable sa insidente ng mga pagdukot at pagpatay.
Ito ang sinabi ni PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo dahil iba-iba ang mga suspek sa mga nagdaang insidente ng pandurukot at mayroon silang iba’t ibang motibo.
“Kung titingnan natin ‘yung circumstances dito sa mga nangyaring sunud-sunod na pagkaka-discover ng cadaver pati na nga ‘yung pagdukot at later on nakitang patay, wala po tayong nakikita na serial killer dito dahil iba-iba kasi ‘yung involved dito at iba-iba ang motibo,” ani Fajardo.
Isa ang insidente ng pagdukot sa 25-anyos at 35-anyos na lalaki sa Batangas ang ikinababahala ng publiko. Ang 25-anyos ay natagpuang patay sa Sariaya, Quezon habang nawawala pa rin ang 35-anyos.
Sinabi ni Fajardo na inatasan na ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin ang mga field at regional director na palakasin ang seguridad sa kanilang nasasakupan, kabilang ang mga barangay at mall.
Nanawagan din si Fajardo sa publiko na agad ipagbigay-alam sa pulisya ang anumang kaparehong insidente na kanilang nasaksihan para agad itong maimbestigahan.
Nauna nang inatasan ni DILG Secretary Benhur Abalos si Azurin upang magsumite ng ulat hinggil sa mga insidente ng pagdukot at pagpatay sa bansa dahil nais niyang masiguro na ang mga naturang report ay hindi ‘fictitious’ o gawa-gawa lamang. (Daris Jose)
-
DOMINIC, ‘guwapong-guwapo sa sarili’ at masuwerte kay BEA ayon sa netizens; trending ang photo na magka-holding hands
TRENDING na naman dahil pinag-uusapan ang netizens ang photo na magka-holding hands sina Bea Alonzo at Dominic Roque, kasama ang isang kaibigan na kuha sa Japanese resto. Nag-viral din ang photo ng rumored couple nang makitang magkasama sa baby shower ni Beth Tamayo, na tiyahin ni Dominic at malapit talaga sila. […]
-
Boxing at weightlifting tinapyasan sa Olympics
BINAWASAN ng bilang ang dalawang sport – boxing at weightlifting – para sa 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris, France. Nangangahulugan ang drastikong hakbang ng International Olympic Committee (IOC) ang pagliit ng bilang sa 329 gold medals na lang ang mga paglalaban sa quadrennial sportsfest. Mas mababa na ito ng 10 medalyang ginto […]
-
AMERIKANO, INARESTO SA MONEY LAUNDERING AT THEFT SA TAGUIG
NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American national na wanted ng awtoridad ng US federal dahil sa money laundering at theft. Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang wanted na si Renato Rivera Cuyco Jr., 48, na inaresto ng mga ahente ng BI’s fugitive search unit sa isang […]