Sesyon nina Velasco tinawag na ‘peke, circus’ ni Cayetano
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
LABIS na panglalapastangan umano hindi lamang sa House rules kundi maging sa Saligang Batas ang ginawang sesyon ng kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para palitan ang liderato ng Kamara.
Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, nilabag din daw ng mga kaalyado ni Velasco ang safety protocols na inilatag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) dahil sa pagtitipon- tipon ng mga ito sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.
Giniit ni Cayetano na hindi basta-basta makakapagsagawa ng sesyon ang mga kongresista base lamang sa kanilang sariling kagustuhan lalo pa ngayon ay suspended pa rin ang kanilang sesyon at nitong Martes pa babalik sa plenaryo alinsunod sa ipinatawag na special session ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inihalimbawa nito ang session na kanilang idinaos sa Batangas noong Enero kasunod nang pagputok ng Bulkang Taal kung saan isang resolusyon pa ang kinilangan na ihain at aprubahan.
Binalaan ni Cayetano sina Velasco na huwag ilagay sa putikan ang Kamara at huwag ding idiskaril ang pleary deliberations sa 2021 proposed P4.5 trillion national budget.
Marami na aniya siyang malalaking taong binangga kaya hindi siya natatakot na kumilos sa oras na malagay sa alanganin ang panukalang pondo para sa susunod na taon.
“Remember, Congress is not a noontime show. Congress is not here for entertainment. Congress is not a circus. This is the House of the People,” saad ni Cayetano.
Sa kabilang dako, nangangako si Cayetano sa isang “honorable at orderly” session ngayong Martes sa kabila nang pangyayari nitong Lunes.
Pero umaapela ito ng pang-unawa at kooperasyon mula sa mga kapwa kongresista upang sa gayon ay masunod pa rin ang kanilang target na maaprubahan sa lalong madaling panahon ang panukalang pondo alinsunod na rin sa apela ni Pangulong Duterte.
-
Unang Pinoy na nanalo ng medalya sa World Championships EJ umukit ng kasaysayan!
HINDI man gold medal ang kanyang nakamit ay nakagawa pa rin ng kasaysayan si national pole vaulter Ernest John Obiena. Lumundag si Obiena ng 5.94 meters para angkinin ang bronze medal sa 2022 World Athletics Championships kahapon sa Eugene, Oregon. Ang nasabing performance ng World No. 6 pole vaulter ay isa […]
-
Ads February 6, 2021
-
Nag-sign off na bilang sa Mokang sa ‘Batang Quiapo’: LOVI, nagpapasalamat kay COCO at sinabihang magpahinga rin
NAG-SIGN off na si Lovi Poe bilang Mokang sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’. Umere ang kanyang last episode sa serye noong Huwebes ng gabi. Matapos umere ang episode ay nag-post si Lovi ng pasasalamat at mensahe kay Coco Martin at sa buong team kalakip ang video ng kanyang mga eksena sa serye. “I am […]