‘Shared bike lane’ ibinasura ng MMDA
- Published on August 31, 2023
- by @peoplesbalita
IBINASURA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang panukala na ‘shared lane’ para sa mga bisikleta at motorsiklo sa EDSA.
Ito ay makaraan ang pulong ni MMDA chair Romando Artes sa mga kinatawan ng mga motorcycle at bicycle groups kung saan nabigo na makaabot sila sa isang kasunduan at desisyon.
Dahil dito, maghahanap na lang umano ng ibang opsyon ang MMDA para masolusyunan ang problema sa dumarami pang motorsiklo na dumaraan sa EDSA.
“As we speak maraming motorsiklo na pumapasok sa exclusive bike lanes. ‘Pag pinaghigpitan, kami pa ang kini-criticize,” dagdag niya.
Kabilang sa mga alternatibo ang “elevated walkway o bikelane”, na umano’y makatutulong sa pagpapaluwag sa trapiko sa EDSA.
-
US, EU, Japan diplomats nagpahayag ng pagkabahala sa akyon ng Tsina sa PCG boats
MAY ilang foreign diplomats ang nagpahayag ng pakabahala sa ginawang pagharang at paggamit ng water cannon ng China Coast Guard sa isang sibilyan na barko na inarkila ng militar para magdala ng suplay sa mga sundalong naka station sa BRP Sierra Madre sa bahagi ng Ayungin Shoal. Sa tweet ni Australian Ambassador to […]
-
DINGDONG, ‘di pa rin makapaniwala na kaybilis ng panahon at two years old na si SIXTO
MAY throwback post si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kasama ang kanyang bunsong anak na si Jose Sixto Dantes IV, na nagsi-celebrate today, April 16 nang ikalawa niyang kaarawan. Sa IG post ni Dingdong noong April 14, ibinahagi nga niya ang larawan nilang mag-ama na kuha noong nakaraang taon. May caption […]
-
Halos 11,300 katao naapektuhan ng hagupit ng Typhoon Betty — NDRRMC
LIBU-LIBO na ang naapektuhan ng Typhoon Betty sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas, ito habang patuloy na nasa ilalim ng Signal no. 2 ang Batanes at ilang bahagi ng Cagayan. “A total of 2,859 families or 11,264 persons were affected,” wika ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Martes. […]