SHARON, inunahan na agad ang mga bashers na walang in-edit sa latest photo na pinost
- Published on February 22, 2021
- by @peoplesbalita
ILANG araw nang pinag-uusapan ang latest photo ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram.
Marami talagang napa-wow at nag-react na pumayat talaga siya na kitang-kita naman sa kanyang pinost na may caption na, “Just got home from work. Thank You, Lord for a wonderful taping day!”
Kasama ang hashtag na #noeditinghuwaw, na parang inunahan na ang kanyang mga bashers, dahil pinaghirapan talaga niya ang kanyang stunning figure.
Last January, nanggulat din si Sharon nang ipost sa IG ang photo na naka-swimsuit habang nasa swimming pool, na kitang nagsimula nang mabawasan ang kanyang timbang.
Bukod sa kanyang fans and followers, hindi rin napigilang mag-comment ng mga showbiz friends niya.
Of course, nag-comment din ang asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan ng, “Hi sexy.”
Pati ang anak niyang si Frankie Pangilinan at nag-comment in bold letters na, “PLEASE THIS IS THE CUTEST THING IVE EVER SEEN IN MY LIFE.”
“GO QUEEN HAVE YOUR COFFEE.”
Sagot naman ni Sharon, “@frankiepangilinan With lots of milk! You know that right?!”
Narito naman ang naging comment ng nina Pops Fernandez: “You look great!”,
Ara Mina: “That’s my Ate. So sexy na.”
Alex Gonzaga, “Sexy!!!!!.” Mariel Rodriguez-Padilla: “Beautiful,” Rica Peralejo: “Awow ANG GANDA.” Jackielou Blanco: “Looking great mama!!!”, Jaya: ”So happy to see you earlier!!! You look amazing!”, at Franco Laurel: “In fighting form! Wow!!!!!”
Say naman ni Jed Madela, “Super happy to see you today, Ate Shawie!!”
At nag-reply naman si Sharon ng, “@jedmadelaofficial Me too my Jeddy! You have no idea how much I missed us all together! I love you!”
Samantala, nagsimula na ang reality talent competition na Your Face Sounds Familiar last Saturday and Sunday na kung saan balik sa pagiging hurado si Sharon at kasama pa rin sina Gary Valenciano at Ogie Alcasid.
Ang ten celebrities na maglalaban-laban sa new season ng YFSF ay sina Geneva Cruz, Jhong Hilario, Klarisse de Guzman, Christian Bables, CJ Navato, Vivoree Esclito, Lie Reposposa, at ang iDolls trio na sina Lucas Garcia, Matty Juniosa, at Enzo Almario. (ROHN ROMULO)
-
RITA, nasa ‘bucket list’ ang makapag-around the world pag tapos na ang pandemya bukod sa paglilibot sa buong bansa
NASA bucket list ni Rita Daniela ang magbiyahe around the world kapag tapos na ang pandemya. Kung ‘di pa raw masyadong safe mag-travel abroad, puwede naman daw sa buong Pilipinas siya lilibot. “When this is all over, for sure, I’ll travel around, well kung kaya, around the world. Siyempre, gusto ko […]
-
Gobyerno, may inilaang P2-B relief assistance para sa Odette-hit areas
TINIYAK ng pamahalaan na maglalaan ito ng P2 bilyong halaga ng relief assistance para sa mga komunidad na labis na naapektuhan ng bagyong Odette. Ito’y sa kabila nang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nasimot na ang pondo ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic. “Si Pangulong Duterte has already committed P2 […]
-
Star-studed ang line-up of guests ng singer-songwriter: JUAN KARLOS, makakasama ang mga kapwa OPM stars sa first solo concert
NAGHAHANDA na ang singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo, na kilala din bilang si juan karlos, para sa isang importanteng yugto sa kanyang karera na mangyayari sa SM Mall of Asia Arena sa darating na Nobyembre 29, sa kanyang first major concert na ‘juan karlos LIVE.’ Sa ilalin ng stage direction ni Paolo Valenciano […]