SHARON, malapit nang mahusgahan kung tama ba na tinanggap ang ‘Revirginized’ ni Direk DARRYL
- Published on June 17, 2021
- by @peoplesbalita
PINAG-UUSAPAN sa social media si Megastar Sharon Cuneta matapos ipasilip ang ilang eksena sa paparating niyang pelikula sa Agosto — at oo, ito na ata ang most daring role niya so far.
Sa kanyang Instagram posts nitong Linggo, ipinasilip ng 55-anyos ang ilang movie stills sa pelikula niyang Revirginized, kung saan binibigyan niya ng “body shot” ang 26-anyos na si Marco Gumabao.
“OMG I have NEVER done this in real life (I don’t drink Tequila or anything else with alcohol! Hahahahaha!),” wika ni Mega sa IG.
“Nahilo ako! Ganito pala itchura natin dun hahahahaha!”
Tumutukoy ang body shot sa pagkonsumo ng alak matapos dilaan ang asin sa katawan ng iba, bagay na sinusundan ng pagkain ng lime sa bibig ng nabanggit na tao.
Una nang sinabi ni Sharon sa kanyang vlog noong Abril na tungkol ang pelikula sa transpormasyong sa buhay ng isang malungkot na babae, bagay na mangyayari raw sa loob lang ng isang weekend.
“It’s nice. It’s a coming of age movie in many different contexts,” sabay tawa ng beteranang singer-actress.
“I’m very excited. Parang… I think I’ve earned the right after four decades to experiment and to do movies that are not really the kind of movies that my audience is used to seeing me in.”
Ngayong Agosto nga nakatakda itong ipalabas sa streaming platform na Vivamax ang naturang pelikula, na dinirek ng kontrobersyal na si Darryl Yap.
Hindi maiiwasan na magkaroon ng varied reactions ang mga larawang inilabas ni Sharon sa kanyang IG account at maging ang role niya mismo sa pelikula.
Una nang nagpahayag nang pag-aalinlangan ang mga fans ni Sharon nang malaman na gagawa ito ng pelikula with Darryl Yap. Baka ma-shock raw sila sa kabuuan ng pelikula.
Pero bilang reaction sa mga fans niya, sinabi ni Sharon na bagamat daring ang Revirginized kumpara sa mga past movies niya, hindi naman daw dapat magkaroon ng violent reaction ang kanyang mga tagahanga.
Hindi naman daw dapat ma-shock ang kanyang mga fans, sabi pa ni Sharon. Sana raw ay panoorin muna ang pelikula bago mag-react.
Siyempre tiyak na uulanin ng batikos si Sharon ng kanyang mga bashers dahil sa pagtanggap niya ng Revirginized. May mga nagsasabi na agad na hindi bagay si Sharon sa role kaya ‘di niya ito dapat na tinanggap.
We love Sharon at maging kami ay nagulat sa kanyang desisyon. Pero we are willing to give her the benefit of the doubt.
Marahil nagandahan siya sa script ng Revirginized kaya nga ito tinanggap. Comeback project pa naman niya ito sa Viva kaya we trust na naniniwala siya na tama na ito ang maging handog niya to her fans sa pagbabalik niya sa Viva.
Tama rin naman ang sinabi ng Direk Darryl na bago husgahan ang pelikula ay panoorin muna ito.
Kaya pag napanood na namin ang Revirginized, kasama ang ibang fans ni Sharon, ay masasagot na ang aming tanong kung tama ba ang desisyon ni Mega na tanggapin ang pelikula.
***
NAKATUTUWANG malaman ang miyembro ng Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin ay bukas ang mga mata sa mga nangyayari sa ating bansa.
Sa zoom conference ng Huwag Kang Mangamba ay nanawagan ang Gold Squad sa kanilang mga fans na magpa-rehistro at bumoto sa 2022 elections.
Ipinaalala rin ni Seth sa kanilang mga fans na huwag na huwag nila ibebenta ang kanilang mga boto.
“Huwag tayong tumanggap ng pera kapalit ng ating boto kasi hindi ito tama. At maging mapanuri tayo. Iboto natin kung sino ang tunay na nararapat na kandidato kasi nakasasalay sa ating boto ang kinabukasan nating lahat,” pahayag ni Seth.
Nagkakaisa ang Gold Squad na importante na bumoto ng tama, lalo na ang mga kabataan dahil sila ang direktang maapektuhan kung maling tao ang maluluklok sa pwesto sa gobyerno.
(RICKY CALDERON)
-
Mga ospital sa QC na pag-aari ng gobyerno, inihahanda na ang kanilang mga isolation rooms
NAGTALAGA na raw ang mga ospital sa Quezon City na pag-aari ng gobyerno ng isolation room dahil sa posibleng pagkakaroon ng monkeypox cases sa naturang lungsod. Kasunod na rin ito ng naitalang kauna-unahang kaso ng monkeypox sa Pilipinas. Sa isang statement, sinabi ng Quezon City government na ang Quezon City General […]
-
Two Young Souls Navigate the Unpredictable Twists and Turns of Fate in “When Magic Hurts”
‘WHEN Magic Hurts’ is a romantic comedy film about a docile young guy, Ernest (played by Beaver Magtalas) and a miserable girl, Olivia (played by Mutya Orquia) stumble upon each, other in the breathtaking mountains of Atok, Benguet and find comfort mutually with the help of love and magic. Synopsis: “In the stunning Atok […]
-
2 PH golfers swak sa Olympics
Maaaring dalawang golfers ang pwedeng ipadala ng Pilipinas sa Tokyo Olympics sa susunod na taon kung mapananatili lamang nila ang kanilang pwesto sa rankings, ayon sa secretary-general of the National Golf Association of the Philippines (NGAP). Sinabi ni Valeriano “Bones” Floro of NGAP, halos sigurado na sina Bianca Pagdanganan at Yuka Saso na makalalaro sa […]