2 PH golfers swak sa Olympics
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
Maaaring dalawang golfers ang pwedeng ipadala ng Pilipinas sa Tokyo Olympics sa susunod na taon kung mapananatili lamang nila ang kanilang pwesto sa rankings, ayon sa secretary-general of the National Golf Association of the Philippines (NGAP).
Sinabi ni Valeriano “Bones” Floro of NGAP, halos sigurado na sina Bianca Pagdanganan at Yuka Saso na makalalaro sa Tokyo Games sa susunod na taon.
Ito’y matapos silang ma-rank sa Top 60 ng International Golf Federation sa kanilang Olympic Golf Ranking.
Si Saso, sumasabak ngayon sa LPGA sa Japan Tour, ay naka-rank na No. 25, habang si Pagdanganan, na lumalaro naman sa LPGA Tour, ay nasa No. 40.
“Ang kailangan lang natin doon sa dalawang athlete natin is maglaro lang sila ng maglaro,” ani Floro kaugnay sa dalawang sikat na golfer. “Sumali lang sila ng sumali sa mga event nila, and practically pasok na sila.”
Ang qualification period para sa Tokyo Games ay hanggang June 21 para sa men at June 28 para sa women, kung saan ang Top 60 golfers sa bawat kategorya ay papasok sa Olympics.
-
After 18 years, legal na ang kanilang pagsasama: TROY at AUBREY, mas pinili ang ‘civil wedding’ kesa magpa-bongga
LEGAL na ang pagsasama nina Troy Montero at Aubrey Miles. Though meron na silang mga anak at labing-walong taon na silang magkarelasyon at magkasama, it was only last June 9 nang gawin na nga nilang legal ang kanilang pagiging partner. Legally Mrs. Montero na si Aubrey. At sa halip […]
-
Pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo, ipinag-utos
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo matapos ang serye ng pananalasa ng bagyo sa bansa dahilan para ilikas ang libong mga Filipino at dalhin sa pansamantalang tirahan sa pasilidad ng pamahalaan. “Alam mo, it is high time that government consider na we […]
-
4 nalambat sa buy bust sa Malabon
Kulong ang apat na hinihinalang drug personalities kabilang ang isang 18-anyos na bebot matapos masakote sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang naaresrong mga suspek na si Harold Arroyo, alyas “Akyat”, 47, Usha Tobias, 18, kapwa ng […]