• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, nag-breakdown at halos sumuko na ngayong naka-life support na si TITA FANNY; ‘di puwedeng makita, mayakap at mahalikan

SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta last Wednesday, March 24, ramdam na ramdam talaga ang bigat na nararamdaman nang makarating sa kanya ang balitang naka-life support na ang kaibigan at nanay-nanayan sa showbiz na si Fanny Serrano na kilala rin bilang TF(Tita Fanny).

 

 

Nauna ngang ibinihagi ni Sharon ang nakalulungkot na balita sa isang video clip nang magkaroon ng ‘massive stroke’ ang sikat na stylist at make-up artist ng mga stars noong March 16, na kung saan hindi talaga niya napigilang umiyak at nakiusap na ipagdasal ang pinakamamahal na si TF.

 

 

Panimulang post ni Sharon,HINDI KO NA KAYA. Tita Fanny is now on life support…meaning, without all the machines connected to him, he would no longer be able to breathe on his own…I do not know what to do with myself…TF, I promised you years ago that I would take care of you until the end… I think I have kept that promise.

 

 

Sa pagpapatuloy ni Mega, But THIS IS NOT the end I want for you…I know it is all God’s call and His decision, but I wish you weren’t in this situation. I truly have no words to say…there are just no words for how painful this is for me and the others who love you…

 

 

Bakit naman ni hindi tayo puede magkita ngayon pa? Puede mo ba ako hintayin na mayakap at mahalikan at ipaalala sayo gaano kita kamahal? Para na kitang Nanay…I love you so much…

 

 

Tanong pa niya, Bakit naman right after Rocky’s passing ikaw naman ang nasa peligro agad ngayon..?

 

 

Bakit ba yung mga pinakamahal ko o tumatak sa puso ko, kayo ang umiiwan sa akin in these past couple of years lang? PAGOD NA PAGOD NA AKONG NAWAWALAN NG MAHAL SA BUHAY.

 

 

Huwag muna po sana, Lord…

 

 

Agad namang nag-comment sa post niya ang mga kaibigang celebrities at followers na nalulungkot din sa sinapit ni TF at nagpakita ng suporta sa pinagdadaanan ni Sharon ngayon, at sasamahan din sa pagdarasal na sana’y malampasan ni Tita Fanny ang matinding pagsubok.

 

 

Kabilang nga dito sina Judy Ann Santos, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Carmina Villarroel, Jackie Lou Blanco, Ogie Alcasid, Jed Madela, Rosanna Roces, Sunshine Cruz, Dingdong Avanzado, Manilyn Reynes, at marami pang iba. (ROHN ROMULO)

Other News
  • Sikat talaga ang loveteam nila: SOFIA at ALLEN, ‘di makapaniwalang kasama sa sitcom ni Bossing VIC

    PINAKASIKAT na young loveteam ngayon sa Kapuso network ang Sparkle loveteam na AlFia nila Allen Ansay at Sofia Pablo.     Naging patok ang loveteam nila sa mga teleserye na ‘Prima Donnas: Book 2’, ‘Raya Sirena’ at  ‘Luv Is: Caught In His Arms’. May natapos na rin silang digital series para sa GMA Public Affairs […]

  • P85 M aerodome simulator ng CAAP binuksan

    Nagkaron ng inagurasyon noong nakaraang buwan ang bagong bukas na P85 million na 3D aerodome tower simulator ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).     Nakalagay ang bagong 3D aerodome tower simulator sa CAAP’s Civil Aviation Training Center (CATC) sa Paranaque City. Natapos ang pagtatayo noong March 30 ng taong kasalukuyan.     […]

  • For World Pneumonia Day 2023, different stakeholder groups, advocates advance the fight to #StopPneumoniaTogether

    Manila, Philippines — For World Pneumonia Day 2023, healthcare company MSD in the Philippines mounts a multi-stakeholder media forum titled “Advance the Fight Against Pneumonia,” to engage different sectors to strengthen the call to stop pneumonia together. The forum also facilitates expert talks and multi-stakeholder discussions about the challenges and opportunities surrounding pneumonia prevention, diagnosis, and […]