SHARON OSBOURNE, nag-apologize na sa ‘racist remark’ pero posible pa ring matsugi sa talk show
- Published on March 20, 2021
- by @peoplesbalita
INAAKUSAHAN ang The Talk host na si Sharon Osbourne ng pagiging isang racist.
Ito ang naging issue ng naturang talk show na kasalukuyang in hiatus dahil inaalam pa kung ang kahihinatnan ng mga reklamo laban kay Osbourne.
Nagsimula ang lahat nang kampihan ni Osbourne si Piers Morgan na nagsabing nagsisinungaling si Meghan Markle sa interview nito with Oprah Winfrey.
Sinabihan ni Sheryl Underwood si Osbourne ng: “While you are standing by your friend, it appears that you are giving validation or safe haven to something that he has uttered that is racist.”
Nagsunud-sunod na ang mga naging reklamo kay Osbourne, “for the used of offensive language, including racial epithets towards former co-host/exec producer Julie Chen as well as lesbian slurs when referring to former co-host/exec producer Sara Gilbert.”
Tinawag daw ni Osbourne ang former host na si Julie Chen, who is Chinese/American, as “wonton” and “slanty eyes.”
Ang former co-host and executive producer na si Sara Gilbert, who is a lesbian, ay tinawag ni Osbourne na “pussy licker” and “fish eater”.
Ang isa pang co-host na si Holly Robinson Peete ay tinawag daw ni Osbourne na “too ghetto” at pinatanggal niya ito sa show.
Naglabas ang CBS network ng official statement regarding the issue:
“CBS is committed to a diverse, inclusive and respectful workplace across all of our productions. We’re also very mindful of the important concerns expressed and discussions taking place regarding events on The Talk.
“This includes a process where all voices are heard, claims are investigated and appropriate action is taken where necessary. The show will extend its production hiatus until next Tuesday as we continue to review these issues.”
Nag-tweet si Osbourne tweeted ng apology sa mga na-offend niya racially.
“To anyone of colour that I offended and/or to anyone that feels confused, or let down by what I said. I was panicked, felt blindsided and got defensive.”
Hindi raw malayong matsugi sa show si Osbourne kapag napatunayan ang mga racist remark niya sa ginagawang imbestigasyon ng network.
(RUEL J. MENDOZA)
-
PH, US defense chiefs tinalakay ang pagprotekta sa karapatan para “fly, sail, and operate safely and responsibly”sa ilalim ng int’l law
TINALAKAY ng defense heads ng Pilipinas at Estados Unidos ang protektahan ang karapatan ng lahat ng bansa para “fly, sail, and operate safely and responsibly” sa ilalim ng international law. Sa isang readout na ipinalabas araw ng Huwebes (Manila time), sinabi ni Pentagon Press Secretary Major General Pat Ryder na nagkaroon ng ‘phone […]
-
China harassment sa Ayungin hindi armadong pag-atake -Malakanyang
SINABI ng Malakanyang na hindi armadong pag-atake na maaaring mag-trigger sa Mutual Defense Treaty ng Pilipinas sa Estados Unidos ang bagong insidente ng harassment ng China vessels sa Philippine boats, dahilan para maputulan ng hinlalaki ng daliri ang isang Navy man at nasugatan ang iba. Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na […]
-
NTF may kondisyon sa planong ‘limited face-to-face learning’ ng CHED, DepEd
Nagbigay ng ilang kondisyon at guidelines si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. kaugnay sa binabalak ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) na posibleng pagkakaroon ng limited face-to-face learning sa mga paaralan. Sinabi ni Sec. Galvez, dapat may dormitoryo kung saan mananatili ng ilang buwan […]