• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, proud and honored na maging part ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ at malaki ang pasasalamat kay COCO

OPISYAL na ngang KaProbinsyano si Megastar Sharon Cuneta at nagkaroon ng red-carpet event last November 9 ang Dreamscape Entertainment at isa nga ang lead-actor at creative director na si Coco Martin ang nag-welcome sa singer/actress.

 

 

Ang FPJ’s Ang Probinsyano nga ang kauna-unahang Kapamilya teleserye ni Sharon at karangalan nila na maging bahagi ng star-studded cast ang nag-iisang Megastar.

 

 

Nag-post naman si Sharon sa kanyang IG account ng, “I am very honored and proud to be part of FPJ’s legacy, FPJ’s ANG PROBINSYANO, on its 6th year as the number one show on television! Thank you from the bottom of my heart to Mr. Coco Martin for thinking of me one sleepless night and making my character in the show whole. I cannot wait to work with all of you!!!

 

 

“Sana po abangan ninyo ang paganda ng pagandang FPJ’s ANG PROBINSYANO sa Kapamilya channel gabi-gabi!!! Maraming salamat po!!! And thank YOU Jesus for sending this my way. So excited!!!#kaprobinsyanonasha.”

 

 

Samanatala, bidang-bida naman si Sharon dahil iba pa rin talaga ang ningning ng Megastar at nag-a-agree naman ang ilang netizens dahil nangibabaw siya sa nilabas na lyric video ng “Andito Tayo Para Sa Isa’t-Isa” para sa ABS-CBN Christmas Station ID 2021.

 

 

Si Sharon nga ang pambungad, kasunod sina Piolo Pascual, Kathryn Bernardo & Daniel Padilla at Sara Geronimo.  Kasama rin sa first gap si Zsa Zsa Padilla at Seth Fedelin & Andrea Brillantes.

 

 

Part naman ng second gap sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Donny Pangilinan & Belle Mariano, Gary Valenciano, Erik Santos, Regine Velasquez at Vice Ganda.

 

 

Sa part naman ng rap ng song bahagi sina Inigo Pascual, Darren Espanto, BGYO at KZ Tandingan.

 

 

Reaction ng netizens sa lyric video na may higit 1.2 million views na si Sharon daw ang nagdala sa video at tuwang-tuwa silang muling makita si Sarah G, habang inokray naman si Regine sa kanyang make-up at bakit napasama rito ang SethDrea na panira lang daw.

 

 

Sa totoo lang naman, marami pang magagaling na singers ang nasa ASAP na dapat naging part ng bagong Christmas song ng ABS-CBN tulad ni Jed Madela, ang mga young divas na sina Elha, Zephanie, Janine at marami pang ibang singers:

 

“Iba pa rin talaga yung vibe ng abs station id music.”

 

“Agree. Yung tipong tatapusin mo talaga yung song.”

 

“Ang Megastar lang ang nagdala. yong iba mga laos.”

 

“Dinala lang ni Sharon yung iba laos at da who.”

 

“Sarah G. Donbell lang bet ko jan.”

 

“I like it. Lalo nung kumanta na si Sarah G. Thank you ABS !!!”

 

“Cute cute ni Sarah G. Preview pa Lang naman yata yan kaya wala pa yung ibang talents.”

 

“Nice to see Sarah G again! Walang kupas.”

 

“Ba’t natawa ako sa make up ni regine? Annoying pa rin si Ogie as always. Lol.”

 

“Sinadya naman ni Regine yan para mapag usapan siya at ang make up look niya.”

 

“Grabe ang mukha ni Regine… gandang ganda siguro cya.”

 

“Nakakainis pakinggan kumanta si Ogie, pati na rin ‘yung isang loveteam.”

 

“Sana hindi pinakanta ang sethdrea my god…”

 

“Agree. Pina-sway sway na lang sana sa background lol.”

 

“Ang out of place nila sorry. sana iba nalang…”

 

“True ha ha ang ganda na sana e. Di man lang nagsabay sa pag sway sway ang sethdrea haha panira.”

 

“Binonggal dapat si Seth at Andrea, nilagay sana si Elha Nympha o Zephanie…”

 

“Liked it until the rap part, felt kinda forced.”

 

“Siguro yung p-pop group, mostly kasi mga. kabataan ang nakasubaybay sa kanila, hindi matatanda na kilala sina regine even si belle… tawag ng tatay ko si goin’ bulilit daw.”

 

“Ang ganda pala ng boses ni Belle Mariano. Ung si Donny Pangilinan naman husky voice. Nice blending.”

 

“Dami nagulat sa singing voice ni Belle Mariano.”

 

“Ang gwapo ni Inigo.”

 

“Chrue. Ang gwapo nga nya dyan. first time kong na-gwapuhan sa kanya.”

 

Dagdag reaction pa ng netizens:

 

“OK NAMAN SYA PERO SAME OLD CONCEPT KALOKA…”

 

“Maganda naman melody. Cringe lang sa rap na part.”

 

“Maganda yung kanta! like always naman pero wala bang ibang ibang version na ilalabas pa? with other artists?

 

“Funny how the K-Tards bash GMA stars eh mas marami pang starlets at has beens sa ABS ngayon. Kelangan na rin nila ng mga name tags haha!”

 

“Hello? 80% big stars kaya. Sinamahan lang ng iba siguro pang hatak din sa mga youngsters or masa.”

 

“Lyrics, not so much. Pero the music is very good! Mukha lang magulo kasi ang daming kumakanta parang di naayos yung blending. Pero ang ganda ng tunog nung mismong kanta kung pakikinggang mabuti.”

 

Paglilinaw lang sa ibang netizens na naghahanap ng ibang big stars ng Kapamilya Network, lyric video pa lang ito at ilalabas pa lang ang Christmas Station ID sa Friday, November 12.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Diskusyon sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng Tsina sa West Philippine sea, nagpapatuloy

    HINDI tumitigil ang pag-usad ng pag- uusap na may kinalaman sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine sea.   Sa katunayan, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi ay may imbitasyon na silang inilabas para sa mga interesadong kumpanya na magtungo sa Pilipinas at mamuhunan sa exploration.   ” We […]

  • LONG -AWAITED “THE MATRIX” FOURTH FILM “RESURRECTIONS” REVEALS FULL TRAILER

    FROM visionary filmmaker Lana Wachowski comes The Matrix Resurrections, the long-awaited fourth film in the groundbreaking franchise that redefined a genre.      The new film reunites original stars Keanu Reeves and Carrie-Anne Moss in the iconic roles they made famous, Neo and Trinity.     Check out the film’s full trailer below and watch […]

  • LTO pinag-aaralan kung dadagdagan ang tanong sa driver’s license exam

    PINAG-AARALAN ng Land Transportation Office (LTO) kung dadagdagan ang mga tanong sa driver’s license exam na binibigay sa mga kumukuhang motorista.       Dahil na rin sa mga nakaraang insidente ng mga road rage kung kaya’t naisip ni assistant secretary Vigor Mendoza II niya na dagdagan ang mga katanungan dito.       “We […]