• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, wala nang atrasan sa paggawa ng ‘Revirginized’ na ididirek ni DARRYL YAP

MUKHANG kahit hindi pabor ang mga fans ni Sharon Cuneta ay walang atrasan ang paggawa ng Megastar ng pelikula under the direction of the controversial Darryl Yap.

 

 

Revirginized ang title ng comeback film ni Sharon sa bakuran ng Viva Films after 19 years. Ito ay mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap.

 

 

Ayon sa director, isa raw ito sa most important script ng buhay niya.

 

 

Sumalang sa zoom presscon si Darryl Yap noong linggo kasama sina Sharon at Rosanna Roces.

 

 

Ano kaya ang reaction niya sa disgusto ng mga Sharonians na siya ang napisil ng Viva para magsulat at magdirek ng comeback film ni Sharon?

 

 

Kung pagbabasehan ang pamagat, tila kakaibang Sharon ang mapapanood sa Revirginized.

 

 

Isang taong hindi na nakikipagtalik sa mahigit tatlong taon o isang nilalang na sumailalim sa vaginal tightening surgery ang dalawang kahulugan ng salitang revirginized.

 

 

Kasama rin sa pelikula sina Cristina Gonzales at Albert Martinez.

 

 

Leading naman ni Sharon si Marco Gumabao sa Revirginized na uumpisahan ang shooting sa unang linggo ng March 2021.

 

 

Kakaiba raw ang role ni Sharon sa movie. Eh di ba kakaiba rin ang roles niya sa Ang Pamilyang Hindi Lumuluha at Kuwaresma? Kumusta naman ang resulta ng mga nasabing pelikula?

 

 

We love Ate Sharon dearly and we mean well by voicing the concern of the Sharonians who are not happy with the decision of Viva na ipadirek si Ate Sharon kay Darryl Yap.

 

 

Kung sisilipin ninyo ang ilan sa fan groups ni Ate Shawie sa Facebook, you can come across comments na hindi masaya ang fans na gawin ni Sharon ang movie with Darryl Yap.

 

 

     ***

 

 

UNANG na-meet ni Direk Adolf Alix si Superstar Nora Aunor noong 2011.

 

 

Ayon sa Facebook post ni Direk Adolf, big fan pala ni Ate Guy (at ni Lolita Rodriguez) ang kanyang ina.

 

 

Natuwa nga raw ang mother niyang nang malaman na baka may gawin silang pelikula ni Ate Guy. Unang gumawa ng short film sina Ate Guy at Direk Adolf titled Kinabukasan kung saan kasama rin si Alden Richards.

 

 

Ayon pa kay Direk Adolf, tiyak daw na natutuwa ang kanyang yumaong ina dahil muli niyang makakatrabaho sa pelikula ang Superstar.

 

 

What makes Kontrabida even more special for Direk Adolf is the thought na ang pelikula ay tribute of sorts sa isa pa niyang paboritong aktres na si Ms. Anita Linda. In fact, Anita Rosales ang name ng karakter ni Ate Guy sa movie.

 

 

Dedicated daw para sa kanyang ina at kay Ms. Anita Linda ang Kontrabida. Sana raw ay gabayan sila ng mga ito sa shoot.

 

 

First time na gaganap na kontrabida ni Ate Guy at siya mismo ang nagsabi na minsan lang niya ito gagawin. The script written by Jerry Gracio must be that good para tanggapin ni Ate Guy ang project.

 

 

“It is always a joy to work with an actress of your magnitude but with such humility and eagerness to embrace new things unexpected of your stature as an icon of Philippine Cinema. Your instinct to never shy away from risks makes you conquer new horizons.Thank you Ate Guy for embarking on this new journey to take a peek into the life of a KONTRABIDA,” pahayag ni Direk Adolf sa kanyang FB account.

 

 

Ikinatuwa naman ng mga fans ni Ate Guy na may bagong movie ang kanilang idol at ibang-iba ang look niya sa Kontrabida.

 

 

Sosyal na sosyal kasi ang dating ni Ate Guy. Sabi nga ng mega producer na si Joed Serrano, “We will treat her like a queen because she is a queen.”

 

 

Kaya asahan ang todong suporta ni Joed dahil masasabing dream project niya ang movie for the Superstar.

 

 

Kasama rin sa pelikula sina Bembol Roco, Rosanna Roces, Ricky Gumera, Charles Nathan, Mhack Morales at Miko Pasamonte.

 

 

Ang pelikula ay produced ng Godfather Productions, Ovation Productions at Mr. P Entertainment. (RICKY CALDERON)

Other News
  • Setyembre ng bawat taon, deklaradong ‘Bamboo Month’

    IDINEKLARA  ng Malakanyang na “Philippine Bamboo Month” ang buwan ng Setyembre kada taon base sa  Proclamation No. 1401 na tinintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes.     Kinikilala ni Pangulong Duterte ang pangangailangan na itanim sa kamalayan ng mga Filipino ang kahalagahan ng  bamboo plant at produkto nito.     “I, Rodrigo […]

  • Malakanyang, niresbakan si Robredo

    BINUWELTAHAN ng Malakanyang si Vice President Leni Robredo matapos na hikayatin nito ang pamahalaan na itigil na ang “propaganda” at sa halip ay ituon ang panahon at pansin sa pagtugon sa hamon na dala ng COVID-19 pandemic.   Todo-depensa si Presidential Spokesperson Harry Roque sa ginagawa ng gobyerno sa pagtugon ng hamon ng pandemiya sa […]

  • MMDA, binasura ang expanded number coding plan sa gitna ng oil price hike

    PARA sa Metro Manila Development Authority (MMDA) walang pangangailangan na palawakin ang kasalukuyang number coding scheme kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahilan naman ng pagkabawas sa bilang ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan.     Sinabi ni MMDA Chairman Rolando Artes na habang ang mga sasakyan sa  EDSA ay […]