• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sharonians nabulabog at kinilig: SHARON at RICHARD, aksidenteng nagkita sa airport papuntang Cebu

NABULABOG na naman ang mga Sharonians sa Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta na kung saan after three years ay muli silang nagkita ni Richard Gomez habang naghihintay sa airport papuntang Cebu.
Makikita sa series of photos sa masayang pagkukrus ng landas nina Shawie at Goma.

“And who should I bump into in the airport waiting for my flight to Cebu but this guy! After three long years…all is finally well again now,” caption ni Sharon.

 

Nasa Cebu City ngayon sina Sharon para sa third-leg ng ‘Dear Heart: The Concert’ nila ni Gabby Concepcion na gaganapin ngayong gabi sa NuStar Resort and Casino.

 

Huli namang nagkatambal sina Sharon at Richard noong 2018 sa pelikulang “Three Words To Forever” at may umaasa na muli silang magsama.

 

Ilan naman sa naging reaksiyon ng netizens:

 

“I was literally shock. When i saw this post akala ko old ppst pero OMG thank you at bati na sila ule.

 

“Ito ang dinadasal namin!!!! Masayang masaya po kami!!! Thank you Lord!!!!”

 

“Di papatalo #shagom humabol… happy for u mega.”

 

“Nung first shagab, tapus shabin, and now shagoms, hehehe iba ka talaga mama! Kalagu mu talaga mama sha.”

 

“Kanino ba talaga tayo kikiligin???? Hindi ko na alam!!!

 

“Ahy hindi ko kinaya ito hahaha yung nag-aagahan ka na ng shagab tapos bigla nag shagoms? Hilong hilo na din ako.”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ayuda sa seniors, PWDs dapat gawing P1K

    NANGAKO ang ACT-CIS Partylist na tatrabahuhin ng kanilang grupo na madagdagan ang ayuda para sa mga indigent senior citizens sa bansa.     Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap, “sa kasalukuyan, P500 lang ang natatanggap na ayuda buwan-buwan ng mga indigent senior citizens natin at PWD.”     Ang budget ay nanggagaling sa Department of […]

  • P100K matatanggap ng magkakampeon sa chess

    BINUKSAN na kahapon ang may tatlong araw na 4th annual Chooks-to-Go National Rapid Chess Championships 2021 na nilalaro via online.     “The event aimed to develop good thinkers through the understanding of chess strategies and tactics,” ani Bounty Agro Ventures  Inc. president at teneral manager Ronald Daniel Mascariñas. “The tournament is also a fund […]

  • Marcos, tinanggihan ang panukalang bawasan ang gov’t workforce para maibaba ang paggastos

    TINANGGIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suhestiyon na bawasan ang bilang ng mga manggagawa sa mga ahensiya ng gobyerno para makatipid at makaipon ng pondo  habang ang Pilipinas ay patuloy na bumabawi at bumabangon mula sa COVID-19 pandemic.     Sa  Facebook post, sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo  na ginawa ni Pangulong […]