• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Shelter cluster sa Luzon, binuhay ng DHSUD

NAG-ISYU si Department of Human Settlement and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar ng isang memorandum sa Regional Offices sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Cordillera Administrative Region, upang bigyang-buhay muli ang shelter clusters nito sa Luzon para matiyak ang tulong para sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Julian.

 

 

Sabi ni Acuzar, dapat lagi pro-active para maibigay ang tulong kung kailan ito kailangan ng ating mga kababayan.

 

 

Kasabay nito ay naatasan ang mga concerned regional directors na i-monitor ang kani-kanilang area of responsibility at bilisan ang emergency response at humanitarian assistance sa ilalim ng memorandum.

 

 

Inatasan din ang mga ito na magsumite ng daily situational reports para tiyakin ang napapanahon at akmang aksyon.

 

 

Ang mga hakbanging ito ay alinsunod sa National Disaster Risk Reduction and Management Council’s Memorandum 244, S. 2024, na nagsasabing dapat nakahanda na ang mga disaster response cluster para sa bagyong Julian.

 

 

Samantala, inaprubahan na ng DHSUD ang mahigit sa P30 milyong tulong para sa mga biktima ng bagyong Carina at sunog sa Bacoor City, Cavite at iba pang bahagi ng bansa.

 

 

May ilang biktima ang nakatanggap na ng cash assistance mula sa Integrated Disaster Shelter Assistance Program ng ahensya.

 

 

Layon ng programa na magbigay ng cash assistance na nagkakahalaga ng P30,000 para sa mga ‘totally damaged houses’ dahil sa kalamidad, man-made o natural, at P10,000 para sa may partially damaged houses. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Signal jamming sa ilang lugar sa QC, asahan – NCRPO

    Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, M/Gen. Vicente Danao na magpapatupad sila ng signal jamming sa ilang bahagi sa Quezon City bukas, ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Pinapayagan na rin ang mga magpoprotesta sa ilang mga piling lugar sa Quezon City.     […]

  • CHIP THE SQUIRREL POWERS UP IN “DC LEAGUE OF SUPER-PETS”

    HE’S here to electrify this mission.       Diego Luna (Andor, Rogue One: A Star Wars Story) is Chip in Warner Bros. Pictures’ animated action adventure “DC League of Super-Pets.”   Check out the featurette “Meet the Pets – Chip the Squirrel” below and watch the film in cinemas across the Philippines July 27.   YouTube: https://youtu.be/uA-NGHlYv2U […]

  • EJ Obiena excited ng maging flag bearer sa SEA Games

    LUBOS  ang kasabikan ni Filipino Pole Vaulter EJ Obiena sa pagiging flag bearer ng bansa sa pagsisimula ngayong araw ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Dumating ang 26-anyos na si Obiena isang araw bago ang formal opening ceremony na gaganapin sa My Dinh National Stadium.     Napili kasi ang world […]