• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Shoot to kill order ni PDu30 laban sa mga NPA

PARA sa Malakanyang, internationally accepted principle ang naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga miyembro ng New Peoples Army Group.

 

Ito ang inihayag ni Chief Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sa harap ng pagkuwestiyon sa shoot to kill order ng Chief Executive Punong Ehekutibo laban sa mga armadong NPA.

 

Binigyang diin ni Panelo na walang masama sa nasabing direktiba lalo pa’t nasa balag ng alanganin ang buhay ng isang sundalo.

 

Giit nito, isang legal justification ang self defense para pumatay gayung ang umiiral dito ay instinct of survival.

 

Sinabi ni Panelo na ito rin ang nakasaad sa Geneva Convention subalit ibang usapan na aniya kung sumuko na ang isang miyembro ng NPA.

 

Nauna rito, dinepensahan naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang utos ni Pangulong Duterte na patayin ang mga armadong komunistang rebelde sa bansa.

 

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Esperon na kung makikita ng tropa ng pamahalaan na armado ang kalaban dapat na itong barilin dahil kung hindi tiyak na sila ang mababaril

 

Malinaw naman aniya ang utos ng Pangulo na shoot to kill laban sa armadong miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

 

Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang, ipinag-utos ng Pangulo sa mga sundalo na patayin ang mga armadong komunistang rebelde.

 

Dalawang araw matapos ang utos ng Pangulo, siyam na aktibista ang napatay sa magkakahiwalay na operasyon sa Cavite, Laguna at Rizal. (Daris Jose)

Other News
  • Gobyernong Duterte, hindi pinaboran ang Chinese manufacturers sa pagbili ng PPE -Galvez

    TINIYAK ng pamahalaan na hindi nito pinapaboran ang Chinese manufacturers sa pagbili ng personal protective equipment (PPE).     ”Noong panahon po na iyon, kahit na ang US, Canada at mga western countries, wala pong makunan ng face masks at PPEs—kumukuha po sila sa China. Hindi po natin fine-favor ang China kasi kung tutuusin po, […]

  • Ipagbawal at gawing krimen ang operasyon ng POGO sa bansa, inihain ng mambabatas

    PINANGUNAHAN ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-List Rep. France Castro ang paghahain ng panukalang magbabawal at gawing krimen ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. Sa panukalang “Anti-POGO Act,” idedeklara ang polisiya ngestado na ipagbawal o i-ban ang POGOs na “increasingly become a social menace and a source of […]

  • Tilda Swinton, Idris Elba Together in the Extraordinary Epic Adventure Film ‘Three Thousand Years of Longing’

    THIS September 14 it is time to indulge your senses, uncover your deepest desires, and prepare for the adventure of a lifetime… “Three Thousand Years of Longing” is about to make your wildest dreams come true.     Helmed by George Miller (blockbuster director of countless iconic films such as Babe, Pig in The City, […]