• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Shootout: 2 drug suspect utas, P68 milyong shabu nasamsam

Patay ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng “Divinagracia drug syndicate”matapos manlaban sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at National Capital Regional Drug Enforcement Unit sa Muntinlupa City, kamakalawa ng  gabi.

 

 

Kinilala nina PNP chief,  General Guillermo Eleazar  ang mga napaslang na sina Jordan Abrigo, alyas Jordan  at Jayvee De Guzman o JB, na target sa isinagawang operasyon.

 

 

Nasamsam sa mga ito ang tatlong Chinese tea bags na naglalaman ng tinatayang 10 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga sa kabuuang P68 milyon, isang Nissan Cefiro na kulay itim, marked money na ginamit sa buy-bust at ang dalawang kalibre 45 baril .

 

 

Dead-on-the-spot ang mga suspek nang makipagpalitan ng putok habang nagtatangkang tumakas nang makatunog na pulis ang kanilang ka-transaksyon.

 

 

Ayon sa ulat ni PDEG director, Brig. Gen. Remus Medina, wala namang nasugatan sa mga operatiba.

 

 

Ang grupo umano ay may source ng ilegal na droga na isang alyas Jhonson, isang Chinese national na nakapiit sa New Bilibid Prison.

 

 

Supplier din umano ang mga suspek ng droga sa NCR at Region 6 at iba pang kalapit na lalawigan, sa Visayas at sa Mindanao.

Other News
  • PDu30, binati si Sec. Cimatu

    BINATI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Environment Secretary Roy Cimatu sa nagawa nitong progreso sa Manila Bay kung saan ang huli rito ay ang paglalagay ng white dolomite sand sa kahabaan ng baywalk.   “Let us begin by congratulat- ing Secretary Cimatu. You know I remember that meeting I think everybody was there when […]

  • Red Hulk is a product of cosmic energy, not just gamma radiation

            MARVEL Studios has revealed the first look at President Ross’ transformation into Red Hulk in the MCU, and it will likely feature some key differences from the original Hulk. As seen in trailers and promotions for Captain America: Brave New World, it’s been revealed that Thaddeus “Thunderbolt” Ross will finally become […]

  • Marcos camp nagmatigas vs electoral protest decision: ‘Only the 2nd cause of action

    Nagmatigas ang kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos na tanggapin ang desisyon ng Supreme Court na nagbasura sa kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.     Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Marcos, hindi pa tuluyang ibinabasura ng Korte Suprema, na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), ang protesta ng natalong […]