• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Show cause orders, ipinalabas laban sa 48 LGUs

IPINALABAS na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang show cause orders laban sa 48 local government units para sa mabagal na distribusyon ng cash aid o ayuda para sa mga Typhoon Odette survivors.

 

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Martes, sinabi ni Año na hiniling niya sa LGUs na magpaliwanag kung bakit hindi pa nakompleto ng mga ito ang distribusyon ng financial assistance.

 

 

“Ang ginawa rin po natin sa mga LGUs na medyo mabagal ang pagbibigay ng ayuda ay pinadalhan natin ng show cause orders. Ito po ay umaabot sa 48 LGUs,” ayon sa Kalihim.

 

 

Aniya, may 16 na LGUs ay mula sa Eastern Visayas, 16 mula sa Western Visayas, 13 mula sa Central Visayas, at tatlo naman ay mula sa Mimaropa.

 

 

Tinatayang may 85.52% o P4,151,590,324 ng P4,854,356,000 cash aid funds ang naipamahagi na sa 4,010,092 benepisaryo.

 

 

Base sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, “as of February 21,” ang napaulat na death toll ay 405 at 52 naman ang nawawala matapos na hambalusin ng bagyong Odette ang bansa noong Disyembre ng nakaraang taon.

 

 

May kabuuang 10,607,625 katao o 2,991,586 pamilya ang apektado ng bagyo sa 10,264 barangay.

 

 

Mayroong 2,031,824 bahay ang nawasak; 1,585,252 partially damage at 446,572 totally damage. May kabuuang P29,338,185,355 halaga ng danyos sa imprastraktura at P17,748,148,271 sa agrikultura ang napaulat. (Daris Jose)

Other News
  • Dagdag sa mga achievements ng 2015 Miss Universe: PIA, proud at puwedeng ipagsigawan na NYC marathon finisher

    NADAGDAGAN na naman ang achievements ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach dahil certified NYC Marathon finisher na siya.   Kaya naman happy and proud siya na pinakita ang kanyang medalya.   “I did it! We did it! 🥹,” panimula ni Queen P sa kanyang IG post.   “The NYC Marathon wasn’t a race, it was […]

  • Ibinuko ng director ng serye na labis na nag-alala: BIANCA at RURU, nagkatampuhan at nag-unfollow sa IG habang nagte-taping

    NAGKATAMPUHAN hanggang sa umabot sa pag-a-unfollow nila sa isa’t-isa sa Instagram ang magkasintahang Bianca Umali at Ruru Madrid.     Ito ay habang nagte-taping sila para sa bago nilang proyekto, ang ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines.     Ang direktor ng show nila na si King Marc Baco ang nagbulgar nito.   […]

  • ALDEN, pina-iyak si BETONG dahil ‘di akalain na papakyawin ang mga binebenta sa live selling

    MATAGAL nang kumakalat ang rumors mula sa set ng upcoming GMA Afternoon Prime na Las Hermanas, na tampok ang nagbabalik-Kapuso drama actor na si Albert Martinez, with Yasmien Kurdi, Faith da Silva at Thea Tolentino.      Nagmula raw ang rumors  sa lock-in taping ng kanilang serye, between Albert and Faith.     Kaya nang […]