Si Gretchen daw ang nagbuko na naghiwalay na: SUNSHINE, tikom pa rin ang bibig sa naging relasyon nila ni ATONG
- Published on November 20, 2024
- by @peoplesbalita
SI Gretchen Barretto raw ang source sa naglabasang isyu na hiwalay na raw sina Sunshine Cruz at Atong Ang.
Ayon sa source namin ay ibinulong daw ni La Greta sa mga close friends niya na tinapos na nina Sunshine at Atong ang may isang taong relasyon.
Pero kung sino ang nakikipaghiwalay at kung ano ang dahilan ay hindi malinaw sa source namin.
Pero kagaya ng unang pumutok sa social media ang relasyon nina Sunshine at Atong ay ayaw pa ring magkomento ng aktres.
Pero sa totoo lang din naman paano nasabing nagkahihiwalay na ang dalawa dahil sa totoo lang naman ay walang umamin di ba?
Hirit pa ni Sunshine sa amin na ayaw daw niyang magbigay ng anumang komento, dahil nangako ang aktres na pagdating sa love life niya ay tikom na raw bibig niya.
Nakiusap pa si Sunshine na ibalato na lang daw sana sa kanya ang tungkol sa love life niya.
Sa tanong namin kung happy pa rin ba si Sunshine sa takbo ng buhay niya ngayon ay walang kagatol-gatol na binanggit ni Sunshine na, “Oo naman with my three daughters and my mother and sisters ay happy kaming lahat.”
***
TUWANAG-TUWA ikinuwento ng kaibigan namin na super successful daw ang reunion concert ng grupo nila Sandara Park na ginanap sa MOA Arena noong weekend.
Saksı ang jampacked fans sa nabuo muli ang grupong 2NE1 para sa 2024-25 2NE1 Asia Tour – Welcome Back.
Kuwento pa niya, nakaupo raw siya malapit sa stage at ang saya ng concert.
Dagdag pa niya na super enjoy daw ang lahat sa dalawang gabi concert ng grupo ni Sandara Park.
Napakabait din daw ni Sandara at panay pasasalamat daw nito sa mga Pinoy fans.
Kaya no doubt daw na successful siya dahil mabait sa totoong buhay hindi sa social media lang.
Hindi nga naman kagaya ng iba riyan na parang santa sa mga post sa social media pero sa totoong buhay ay isang santa-santita pala.
Dahil na rin sa kabaitan ni Sandara at bilang pagtanaw ng utang na loob kahit hindi naman siya official ambassador ng Department of Tourism (DOT), grabe niyang i-promote ang ating bayan ng libre, huh!
Sinasama pa niya ang ibang friends niya na K-pop artist para madiskubre ang magagandang lugar ng Pilipinas nating mahal!
(JIMI C. ESCALA)
-
Kai Sotto posts double-double in Adelaide’s first preseason game for NBL23
FILIPINO young star Kai Sotto flexed his offseason improvement in his return to the Adelaide 36ers in NBL Australia. The 7’3″ Sotto delivered 11 points and 11 rebounds in limited playing time in Adelaide’s 98-87 loss against Perth Wildcats. Despite not getting the win, Sotto impressed everyone including his three slam […]
-
‘3 weeks na voter registration extension, aprubado na ng Comelec’
Aprubado na raw ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapalawig pa ng voter registration matapos hilingin ng dalawang kapulungan ng Kongreso maging ng ilan nating kababayan na nais magparehistro. Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, ang extension ng voter registration ay isasagawa sa Oktubre 9 hanggang Oktubre 31. Ang voter registration […]
-
Sonic’s most thrilling adventure awaits! Watch the new trailer for ‘Sonic the Hedgehog 3’
SHADOW rises. Chaos is coming. Get ready for chaos and adventure like never before! The highly anticipated “Sonic the Hedgehog 3” lands in Philippine cinemas on January 15, 2025. The newly released trailer offers a sneak peek into Sonic’s most electrifying challenge yet. In this thrilling chapter, Sonic, Knuckles, and […]