• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SIBAKAN SA PHILHEALTH, IMMIGRATION ASAHAN SA DISYEMBRE – DUTERTE

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami pang mga empleyado ng PhilHealth at Bureau of Immigration ang masisibak sa trabaho sa Disyembre.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte, mayroon pang susunod na round ng sibakan sa Disyembre partikular sa dalawang tanggapan na talamak pa rin ang korupsyon.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, marami pa ang mawawalan ng trabaho, marami ang matatanggal sa gobyerno, marami ang makakasuhan at marami ang makukulong.

 

Ikinadidismaya ni Pangulong Duterte ang “pastillas scheme” sa Bureau of Immigration (BI) kung saan nagbabayad ng pera ang nga Chinese para ilegal na makapasok sa bansa.

 

Pinag iinitan din ni Pangulong Duterte ang P15 billion anomalya sa PhilHealth.

 

“So, mayroon pa. The next round is will be by December. Many will lose their jobs, many will be separated from government, many will face prosecution, and many will go to jail, iyan ang sabihin ko,” ani Pangulong Duterte.

 

Una rito, isa-isang binasa kagabi ni Pangulong Duterte ang pangalan ng 21 na opisyal na ng PhilHealth na sinuspinde habang 44 naman sa Immigration. (Ara Romero)

Other News
  • Panukala sa Kamara nais ihimlay mga ‘sports heroes’ sa Libingan ng mga Bayani

    POSIBLENG  Libingan ng mga Bayani ang maging huling hantungan ng mga atletang nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas.     Ito’y matapos ihain ng isang kinatawan sa Kamara ang panukalang magbibigay pugay sa mga nabanggit.     Huwebes nang ihain ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang House Bill 3716, sa dahilang nagbibigay sila […]

  • PBBM sa BOC, BIR: Paigtingin ang kampanya laban sa smuggling ng tobacco, vape products

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bureau of Customs (BoC) at Bureau of Internal na palawakin at palakasin ang pagsisikap na protektahan ang tobacco industry ng bansa laban sa smuggling ng tobacco at vape products.  Sa isinagawang 6th Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) meeting sa Palasyo ng Malakanyang, kinilala ng Pangulo […]

  • Ayos lang sa asawang si David: GLAIZA, aminadong nakatutok ngayon sa kanyang showbiz career

    AYOS lang raw sa mister niyang si David Rainey kung sa ngayon ay sa kanyang showbiz career muna nakatutok si Glaiza de Castro.     Lahad ni Glaiza, “Eversince naman po nandun siya sa kung ano yung schedule ko kasi very flexible naman yung schedule niya.     “Although ang masaya po dun tinutulungan niya […]