Sibuyas, nangungunang smuggled product sa Pilipinas – PNP
- Published on May 20, 2023
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ng PNP na sa kabila ng iba’t-ibang mga pekeng produkto, ang pinakamaraming smuggled products na naitala sa Pilipinas ay produkto ng mga sibuyas.
Iniulat ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. na P137.6 milyong halaga ng sibuyas ang naipuslit sa bansa mula noong 2019.
Aniya, mula Enero 2019 hanggang Abril 2023, ang Pambansang Pulisya sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Customs at Department of Agriculture ay nagsagawa ng 1190 law enforcement operations laban sa ipinagbabawal na kalakalan.
Bukod sa sibuyas, ang iba pang karaniwang ipinuslit na bilihin ay bigas na nagkakahalaga ng P500,750 at asukal kung saan P858,000 ang naipuslit.
Ang mga garments o kasuotan, bag at piyesa ng sasakyan ay ang pinakamalaking kategorya sa ipinagbabawal na kalakalan, na nagkakahalaga naman ng mahigit P10 billion.
Pumangalawa ang mga produktong tobacco, na may mahigit P1.49 bilyong produkto na nakumpiska, ayon sa PNP. (Daris Jose)
-
Higit 150k ang dumalo sa Puregold ‘MassKaravan at concert’: FLOW G, nagbigay ng saya at inspirasyon kasama si SKUSTA CLEE at SB19
SAMA-SAMANG dinala ng mga hip-hop icon na sina Skusta Clee at Flow G at PPop megastar na SB19 ang panalo spirit sa Puregold Sari-sari Store MassKaravan at Concert sa Bacolod. Ang pagdiriwang na ito ay dinala mismo ng Puregold sa MassKara Festival na idinaraos taon-taon at dinarayo ng libo-libong mga bisita mula sa […]
-
Balik sa pagsasayaw sa Tiktok at Instagram: GARDO, mabilis ang recovery mula sa kanyang operasyon
MARAMING netizens ang natuwa sa mabilis na recovery ni Gardo Versoza mula sa kanyang operasyon after niyang maka-experience ng heart attack noong nakaraang buwan. Sa kanyang Tiktok at Instagram, balik sa pagsasayaw si Gardo at game dun ang mga doktor at staff ng ospital na sumabay sa dance moves ng aktor. […]
-
PBBM, naiintindihan ang pagkalas ni Sara sa Lakas-CMD
NAIINTINDIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging desisyon ni Vice President Sara Duterte na kumalaas at magbitiw bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party. Magkagayon man, sinabi ng Pangulo na hindi dapat magambala o magulo si Duterte mula sa mas mahahalagang tungkulin nito. Tinuran ni Pangulong Marcos na dapat […]