• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sikat na online seller na si MADAM INUTZ, certified recording artist na; trending ang music video ng ‘Inutil’

ISA na ngang ganap na recording artist ang social media sensation na si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz dahil ini-release na ang kanyang debut single na Inutil” na nilikha ni Ryan Soto.

 

 

Ang kilalang social media influencer, former Mr. Gay World titlist, businessman at philanthropist na si Wilbert Tolentino ang nagsilbing tulay at gumabay kay Madam Inutz para maisakatuparan ito.

 

 

Aminado si Madam Inutz na mula sa kanyang pag-uukay-ukay, sa tulong ni Wilbert ay ‘di pa rin makapaniwala na certified recording artist na siya ngayon, kaya ganun na lang kanyang pasasalamat

 

 

“Sa dinami-dami ng mga mas bata sa akin na nangangarap maging isang recording artist at may sariling music video, ako pa ang napili ng tadhana.

 

 

Sa tulong ito ng aking one and only manager na si Sir Wilbert,” masayang wika ni Madam Inutz.

 

 

Napabilib talaga niya si Wilbert o Kuya Wil at pahayag nito, “Meron siyang unique na raspy voice. Bagay sa kanya ang mga novelty, rap, hiphop, rock, lalung-lalo ang mga tunog-kalye. Bagay sa kanya ang mga estilo nina Sampaguita, Aegis o Up Dharma Down.

 

 

Dagdag pa ni Kuya Wil, “Mabilis niyang natutunan ang mga melody ng kanta at kaya niyang baguhin ang atake, ayon sa kanyang style. Sobrang professional at walang reklamo sa oras, kahit inabot nang madaling-araw sa pag-shoot ng music video.

 

 

Ayon naman kay Madam Inutz, pinaghandaan niya ang araw ng recording at talagang ipinahinga niya ang kanyang boses para lumabas na maganda.

 

 

“Ilang araw din akong hindi uminom ng malamig na tubig at binawasan ang pagsigaw sa online selling para makondisyon ang boses ko. Dahil ang kanta ay may kaunting pagsigaw at kailangan ng energy,” kuwento pa ng sikat na online seller.

 

 

Ang kantang “Inutil ay introduction daw ng buhay ni Madam Inutz ayon kay Wilbert, kung sino ba ito at kung paano nagsimula.

 

 

After ng ilabas ang debut single at trending na music video, marami pang plano si Sir Wil para sa kanyang bagong alaga.

 

 

“Dahil masunurin si Madam Inutz at hindi naging pasaway, nakikinig siya sa mga advices at instructions para sa ikabubuti ng lahat, sa loob man o labas ng showbiz… gusto kong maging Brand Ambassador ng mga online sellers si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz.

 

 

“Gusto ko siyang maging negosyante at turuan ng entrepreneurship para umusbong ang kanyang online business. Bukod sa pagiging recording artist, siyempre gusto ko rin na siya’y maging expose sa showbiz at ma-experience ang pag-aartista.

 

 

“Higit sa lahat, maging successful si Madam Inutz at sikat na vlogger!”

 

 

Available na ang “Inutil sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, Youtube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, iTunesRadio, etc.

 

 

Para sa Inquiries & Product endorsement – tumawag lang sa 09175INUTIL/ 09175468845 or Email sa DLINUTIL@GMAIL.COM

 

 

***

 

 

MUKHANG tuloy na tuloy na ang paglabas ni Maja Salvador sa Kapuso Network.

 

 

Dahil ngayong October, balitang magiging certified Dabarkads na siya dahil part na siya ng longest-running noontime show na Eat…Bulaga!

 

 

Pinakita nga na social media accounts ng EB ang magiging segment na papasukan ni Maja, ito ang ‘Maximum Sayawan’ na bagay na bagay sa kanya, na pasok pa sa kanyang initials.

 

 

Sa tsikahan nga nina Ryan Agoncillo at Jose Manalo, na ngayong 2021, bibigyan ng kakaibang twist o timpla ang mga classic dance na ‘di matitinag at sinasayaw pa rin, kaya ganun na sila ka-excited sa pagpasok ng bagong Dabarkad.

 

 

Say ni Ryan, “isa sa pinaka-MAhusay na aktres at isa sa pinaka-Mahusay sa sayawan sa industriya ngayon.”

 

 

“Ibang klase yan, parang todong-todo na ‘to.  Ibig mo bang sabihin, MApapahanga ka, MApapanganga ka rin galing,” sagot naman ni Jose, na kung nag-agree naman si Ryan.

 

 

Dagdag pa ni Ryan, “MAtutulala kayo, kaya Dabarkads, abangan n’yo yun sinasabi namin, MAbabaliw kayong lahat dahil hindi n’yo ini-expect na MAgbu-Bulaga ‘yan!”

 

 

At sa napipintong pagpasok ni Maja sa EB, hindi naman naiwasan ng netizens na intrigahin ito dahil magkakatapat sila ni Kim Chiu na nasa It’s Showtime, at pumalit sa kanya sa ASAP bilang Queen of the Dancefloor.

 

 

Reaction naman ng netizens:

 

 

“Next level ng career for maja!! Alam mo iba level ng kasikatan pag Nag-EB ka, paano si kim sa kabila? Mas lalong makukumpara, sabagay pareho lang naman ng level sa pagka-sabaw.”

 

 

“Makakasabay kaya xa sa JoWaPaoMENG?”

 

 

“Allergic ako sa network war, sobrang napaka cheap. Sayang naman pinambili nyo ng tv kung iisang channel lang ang panonoorin nyo.”

 

 

“Mapapahanga at matutulala??? Naman! We all know this is not true.”

 

 

“Good for Maja. Marami pa rin kumukuha sa kanya kahit wala na siya sa Dos. Iba talaga pag talented. Work is work.”

 

 

“Eto talaga yung mas legit na tawaging ‘Queen of the Dance Floor’.”

 

 

“Agree! Nagtataka nga ko bat yan ang title ni Kim eh ang tigas ng katawan sa true lng.”

 

 

“Kahit ayaw ko ng network wars keneme, im kinda interested na makita maghosting si Maja.”

 

 

“Excited ako dito at sa magiging interaction niya sa mga hosts ng EB lalo na kina Jose. Feeling ko makakasabay siya kasi may sense of humor din si Maja.”

 

 

“Well sana nga makasabay sya. Kasi kung hindi, lalamunin sya ng buhay ng mga dabarkads.”

 

 

“Lahat naman ng nagiging EB dabarkads sa isang segment lang muna kapag bago. Then unti-unti isasali ka na sa ibang segment.”

 

 

“Bagay sya sa dabarkads. she deserves this break!”

 

 

“Legit Queen of the Dance Floor. Hindi yung di naman magaling sumayaw *Kim*Chiu* tapos Queen of the Dancefloor daw ng ASAP.”

 

 

“Mas graceful si MAJA. Yung isa, idinadaan lang sa bihis at burloloy.”

 

 

“Sobrang sayang si Maja sa Pinoy Pop ba yun? ng TV5. Jusko pinagtatawanan na lang namin yung groups. Yung mukha ni Mitoy, asim na asim sa performance nila hahaha.”

 

 

Sa APT Entertainment pa lang daw nakipag-negotiate ang Crown Management ni Maja, kaya doon lang siya sa lalabas sa EB at hindi pa sa mga Kapuso shows but who knows… sabi nga, bilog ang mundo, kaya patuloy ang pag-ikot nito.

 

 

Samantala, sa nagsasabing flop ang Niña Niño sa TV5, hindi totoo ‘yun dahil mataas ang ratings at next month ay papasok pa si Piolo Pascual bilang Mayor ng Sta. Inez.

 

 

Sobrang happy nga ni Maja at ganun ang nagpasasalamat dahil natupad na ang pangarap niya.

 

 

Caption niya sa IG post niya, “Ito naaaaa! @piolo_pascual
      “Pangarap ko lang to! Salamat Papa P!!! Next Movie naman please. #NiñaNiñoSaTV5.”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mas mababang crime rate sa MM, naitala ng PNP ilang araw bago ang holiday season

    NAKAPAGTALA  ng mas mababang bilang ng mga krimen sa National Capital Region ang Philippine National Police ngayong papalapit na ang holiday season.     Sinabi ni National Capital Region Police Office Spokesperson PLTCol. Dexter Versola na mas bumaba pa  ang rate ng peace and order indicator o yung tinatawag na 8 focus crimes na binabantayan […]

  • Dagdag-sahod na hiling ng TUCP hindi pinagbigyan ng DOLE-RTWPB

    HINDI  pinagbigyan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang hiling ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na dagdag sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila.     Paliwanag ng sangay ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa NCR, hindi saklaw ng hurisdiksyon nito ang naturang petisyon ng TUCP.   […]

  • Taas presyo sa produktong petrolyo sasalubong sa unang linggo ng Setyembre

    PINAGHAHANDA ng Department of Energy (DOE) ang mga motorista dahil sa panibagong taas presyo sa pagpasok ng buwan ng Setyembre.     Base sa pagtaya ng DOE na ang gasolina ay mayroong pagtaas na mula P0.20 hanggang P0.45 sa kada litro.     Habang ang diesel ay maaring walang paggalaw o kaya tataas ng P0.20 […]