• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Siklab Awards lalarga sa December 5

Gagawaran ng para­ngal ang mga bagitong atleta na nagpasiklab sa nakalipas na taon sa gaganaping Nickel Asia Corporation Siklab Youth Sports Awards 2024 sa Disyembre 5 sa Market! Market! Activity Center, Ayala Malls BGC sa Taguig City.

 

 

 

May 79 youth at junior athletes mula sa 36 sports ang kikilalanin sa ikaapat na edisyon ng awards night na binuo ng Sports Commission (PSC)-Philippine Paralympic Committee (PPC)-Philippine Olympic Committee Media Group (PSC).

 

Nangunguna sa lista­han ang magkapatid na swimmers na sina Micaela Jasmine Mojdeh at Behrouz Mohammad Madi Mojdeh na nagpasiklab sa iba’t ibang international tournaments.

 

Kasama rin sina world junior champions Tachiana Mangin ng taekwondo, weightlifters Angeline Colonia at Lovely Inan, 2024 US Junior Girls champion Rianne Mikhaela Malixi ng golf at wushu artist Alexander Gabriel Delos Reyes na bibigyan ng Young Heroes Awards.

 

 

Pasok din sa listahan sina Asian junior gymnastics gold medalist Karl Eldrew Yulo, world youth champion Isabella Butler ng jiu-jitsu, Asian age-group swimming gold medalist Jamesray Mishael Ajido at table tennis youth champion Kheith Rhynne Cruz.

 

 

May kani-kanyang awards din sina muay thai world champions Janbrix Ramiscal at Lyre Anie Ngina, at chess Olympiad gold medalist Ruelle Canino sa Super Kids Award ca­tegory.

 

Sina three-time jiu-jitsu world champion Aleia Aielle Aguilar, Palarong Pambansa multiple gold me­dalists Albert Jose Amaro II (7 golds) ng swimming, Mitchloni Dinauanao at Francis Dave Sombal (5 golds) ng dancesports ang nasa Rising Youth Stars Award category.

 

 

Ang iba pang awardees ay sina Ana Bhianca Espenilla (athletics), John Andre Aguja (cycling), JR Pandi (badminton), Brandon Sanchez (baseball), Kieffer Alas (basketball), Marc Dylan Custodio (bowling), Nick Anjelo Payla (boxing) and Naina Dominique Tagle (archery), Gavin Moses Ba­ngayan Ti (obstacle course racing), Jonathan Reyes (squash), Jeniva Consigna

Other News
  • Ads June 26, 2020

  • Geisler, PTA mag-ayos na

    PINATALSIK ng Philippine Taekwondo Association si two-time Olympian Donald David ‘Donnie’ von Geisler III bilang kasapi at dineklara ring persona non grata ni PTA chairman Dr. Manolo Gabriel.   “All rights and privileges granted to him as a PTA member has been deemed forfeited and terminated; Declared Persona Non Grata,” pahayag ng opisyal nitong Lunes. […]

  • Greece at NBA superstar Antetokounmpo tanggal na sa European championship

    MINALAS  ang bansang Greece at ang dating two-time NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo matapos na masilat ng Germany sa nagpapatuloy na EuroBasket sa score na 107-96.     Sinamantala ng Germany ang kanilang homecourt advantage upang umusad sa semifinals at gumanda pa ang tiyansa na magkampeon muli.     Si Giannis naman ay nasayang […]