SIKLISTANG TINUTUKAN NG BARIL, HINIKAYAT NI BELMONTE NA LUMUTANG AT MAGSAMPA NG KASO
- Published on September 6, 2023
- by @peoplesbalita
NANANAWAGAN si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa siklista na lumutang at magsampa ng kaso sa ginawang pagkasa at panunutok ng baril ng isang retiradong pulis na si Wilfredo Gonzales sa area ng Welcome Rotonda, Quezon City.
Kaugnay nito ay inatasan ni Belmonte ang People’s Law Enforcement Board o QC-PLEB na imbestigahan kung papaano hinandle ng QUEZON CITY POLICE DEPARTMENT o QCPD dahil na rin sa pagkakadismaya ni Belmonte sa Galas Police Station o Station 11 kung saan ay agad na humantong sa amicable settlement ang dalawang partido at pinagbayad pa ang siklista para sa gasgas sa kotse ni Gonzales.
Dagdag pa ng alkalde, titiyakin ng lokal na pamahalaan ang seguridad ng biktima maging ng kanyang pamilya. Maaaring natatakot ang biktima na humarap dahil ang nakatapat niya ay retiradong pulis. Nais nating bigyang-diin na walang puwang ang karahasan sa lungsod ng Quezon.
Sakaling magdesisyon ang biktima na lumapit sa QC LGU, maaring masampahan si Gonzales ng mga sumusumod na kaso Grave Threat, Slander by Deed, Reckless Imprudence, Physical Injuries, Violations of RA 10591 or absence of a License to Own and Possess a Firearm, absence of Permit to Carry.
Binigyang-diin ng city government na sa ilalim ng City Ordinance SP-2988 S-2020 o Ordinance promoting Safe Cycling and Active Transport ay maaring maparusahan ang mga motoristang haharang sa cycling lanes o walking paths.
Dagdag pa rito ang Section 8.2.2 of City Ordinance SP-2636 S-2017 or QC Road Safety Code na nagsasaad na hindi dapat iharang ang anumang sasakyan sa bike lane.
“This culture of impunity is not acceptable in QC and I have a duty and responsibility to maintain peace and order in our city and to send a strong message that acts such as those committed shall not be tolerated and that he must be held accountable,” Belmonte added.
Paliwanag pa ni Belmonte, tinitiyak nya sa cycling community at sa mga mamamayan na nakahanda ang QC LGU na itaguyod at protektahan ang mga ligtas na bike lane. (PAUL JOHN REYES)
-
“Depektibong” National ID system rollout, pinasisiyasat
PINASISIYASAT ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera sa Kamara ang mabagal at ‘ depektibong’ rollout ng National ID system sa bansa. Sa House Resolution 471, dapat magpaliwanag ang mga ahensiya ng gobyerno na siyang nangangasiwa sa naturang prokyeto kabilang na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Economic and Development Authority (NEDA), […]
-
Pinay tennis star Alex Eala nagkampeon sa Milan tennis
Na-domina ni Philippine tennis number 1 Alex Eala sa JA Milan 61 Trofeo Bongfilio matapos makuha ang kampeonato sa singles division. Ang nasabing pagkapanalo ay naganap isang araw matapos na magwagi ito sa tennis doubles. Tinalo nito si Nikola Bartunkova ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-3 sa laro na […]
-
Magparehistro para sa 2022 elections – Comelec
Nagpaalala kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na magparehistro na, lalo’t 4 na buwan na lang bago ang deadline para rito. Target ng komisyon na magkaroon ng 7 milyong bagong rehistradong botante pero nasa 2.8 milyon pa lang ang bilang ng mga nagpaparehistro mula Abril 30. Sa Setyembre 30 nakatakda ang […]