Silip sa dating PBA coach
- Published on February 18, 2021
- by @peoplesbalita
NATATANDAAN pa po ninyo si Bill Bayno?
Siya po ang kontrobersiyal na naging coach sa Philippine Basketball Association (PBA) sa Talk ‘N Text Phone Phone Pals (Talk ‘N Text Tropang Giga na ngayon) noong 2001-2002.
Kontrobersiyal ang pananatili niya sa ‘Pinas dahil kinalaban siya at ang TNT ng Basketball Coaches Association of the Philippines (BCAP) para mapigilan pag-upo niya sa team.
Na napagigsing nga dahil maigting ang kampanya noon ng samahan para sa mga dayuhan na mag-coach sa pambansang propesyonal na liga, para hindi maagawan ng trabaho ang mga lokal.
Binatikos din ni Bayno ang PBA na inakusahan niya bilang San Miguel Corporation (SMC) league kung saan pinagmulta siya ng rekord na P.2M nang noo’y komisyoner, namayapa nang si Emilio ‘Jun’ Bernardino, Jr.
Parang kalian lang ano po?
Noong nakaraang Lunes, Pebrero 8, lumitaw siya sa social media nang bumaba na sa kanyang puwesto angbilang Indiana Pacers assistant coach sa National Basketball Association (NBA) dahil sa isyu ng problema sa kaisipan.
Bago ang pagbibitiw ng 58-anyos na tubong Goshen, New York, hindi siya nagpakita sa koponan sapul pa noong Enero 25 matapos ang dalawang linggong bakasyon.
“He’s been through a lot in the last 18 months, including the death of his mother. He’s a social guy, so the isolation hasn’t helped. I hope he gets the helps he need,” pahayag ni Scott Agness na pinaskil sa HoopsHype.
Hirit naman ni Adrian Wojnarowski ng ESPN: “Bayno has privately described a need to step away from the pressures and workload of the NBA grind amid the pandemic, especially in the aftermath of several personal losses, including the loss of both his parents.”
Namatay ang nanay ng cage bench strategist sa kanser noong Abril 2020, habang ang tatay naman noong 2019.
Inabot po ng Opensa Depensa ang mamang ito nang naka-beat pa ako noon sa PBA. Palangiti at maayos siyang kausap.
Dalangin ko po ang pagbabalik sigla mo Bayno.
***
Belated Happy Valentines Day po sa lahat. (REC)
-
Relief goods lulan ng BRP Tubbataha nakatakdang ipamahagi
Kaagad nang ipapamahagi sa mga apektadong pamilya sa Bohol ngayong araw ang mga relief supplies na dala ng BRP Tubbataha. Ito ay matapos na makarating na sa Central Visayas ang naturang barko ng ulan ang 270 sako ng bigas, 37 piraso ng tarpaulin, apat na drum ng gasolina, apat na solar sets, dalawang […]
-
Isyu vs kandidato na ‘di sumisipot sa debate, tatalakayin sa en banc session – COMELEC
NAKATAKDANG talakayin ng Commission on Elections (COMELEC) sa nalalapit na en banc meeting sa Miyerkules kung paano nito tutugunan ang isyu ng hindi pagdalo ng ilang kandidato sa mga debate na kanilang inorganisa. Sinabi ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan sa mga mamamahayag pagkatapos ng unang vice presidential leg ng PiliPinas Debates 2022 kagabi, […]
-
Ads April 5, 2021