• January 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SIM card registration, suspindihin muna para sa mabantayan ang datos ng publiko

KASUNOD  na rin sa sunud-sunod na data system hacks sa mga government websites ipinag-uutos na sana ay sispindihin muna ang SIM card registration para sa mabantayan ang datos ng publiko.

 

 

Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, kailangang itigil muna ang pagkuha ng online data ng mamamayang Pilipino hangga’t di naipapakita ng administrasyon na kaya nitong tiyakin ang cybersecurity ng bansa.

 

 

“Kalakhan sa mga SIM card ng ating mga kababayan ay connected sa mga social media accounts, messaging apps at online banking. Sensitibo ang mga personal data na ito, at delikado kapag napasakamay ng masasamang loob at naibuyangyang,” ani Manuel.

 

 

Dapat mapalakas muna aniya ang data protection mechanisms ng pamahalaan, at susi rito ang pagsuporta sa mga homegrown IT specialists. (Ara Romero)

Other News
  • Ads May 12, 2023

  • Death toll sa PH dahil sa deadly virus lampas na 26,000

    Mahigit pa rin sa 5,000 ang panibago na namang naitalang bagong nadagdag na dinapuan ng virus sa Pilipinas.     Sa report ng Department of Health (DOH) nakapagtala sila ng 5,204 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.     Mas mababa ito ng bahagya kumpara sa nakalipas na Linggo.     Dahil dito […]

  • ‘Pambansang Best Friend’, nami-miss na ang pag-arte: SHEENA, protective mother at gagawin ang lahat para ‘di magka-virus ang anak

    NAG-THROWBACK sa kanyang social media account si Sheena Halili dahil nami-miss na raw niya ang umarte.     Ngayon kasi ay mas naka-focus siya sa pagiging mommy sa 1-year old daughter niya.     “Miss ko na rin ang pag-aartista! Ngayon din naman nag-aartista ako sa harap ng anak ko! Minsan dog ako, minsan cat, […]