SIM cards, iparehistro na
- Published on December 28, 2022
- by @peoplesbalita
SA PAGSiSIMULA ng rehistrasyon ng SIM card, pinaalalahanan ni Camarines Sur Rep. at National Unity Party (NUP) president LRay Villafuerte ang mga cellular phone owners ng tinatayang 150 million Subscriber Identification Module (SIM) cards na iaprehistro ang kanilang numero sa loob ng ibinigay na deadline upang maiwasan ang automatic deactivation ng kanilang SIM numbers.
Umaasa naman ang mambabatas na mayroon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) ng isang “ultrasafe cybersecurity system” sa implementing rules and regulations (IRR) ng bagong batas ukol sa SIM registration upang maiwasan na magkaroon ng breach sa mga sensitibong datos ng registered celfone subscribers at maiwasan na maabuso ng ilang mapagsamantalang PTEs (public telecommunications entities) at iba pang grupo.
Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod na rin sa pagsisimula ngayong Disyembre 27 ng implementasyon ng Republic Act (RA) 11934 o batas ukol sa mandatory registration ng SIM cards ng lahat ng celfone subscribers sa bansa.
Sa ilalim ng batas, ang lahat ng existing postpaid at prepaid SIM users ay kailangang magparehistro, sa loob ng 180 araw o 6 na buwan upang hindi ma-deactivate ang kanilang celfone numbers.
Pero, nakasaad sa IRR ng RA 11934 na maaaring mapalawig ang deadline nito ng hanggang 120 araw o apat na buwan pa.
Upang magparehistro, ang bawat individual celfone user o SIM card owner ay kailangang magsumite ng detalye ukol sa kanya tulad ng pangalan, kapanganakan, kasarian, current o official address at official identification (ID) card at numero sa PTE kung saan siya may mobile phone subscription.
Naniniwala ito na sa pamamagitan ng mandatory SIM registration, ang lahat ng mobile phone subscribers ay as mapoprotektahan mula sa phone-based scams tulad ng smishing.
Mas magiging madali rin sa otoridad o PTEs na ma-trace ang personalidad na nasa likod ng text scams at mapanagot ang mga ito sa breach of privacy at iba pang pangloloko.
Ang ‘smishing’ ay short message service (SMS) phishing kung saan sinusubukang makapangloko ang scammers sa pagkuha ng kanilang personal information, tulad ng passwords at credit card numbers, at bank accounts. (Ara Romero)
-
Kyle Kuzma: SEASON HIGH 40 POINTS
Pinalamig ng New York Knicks ang katunggaling Washington Wizards sa katatapos pa lamang na laban ngayong araw. Pinangunahan ng Knicks 26 year old point guard player na si Jalen Brunson ang kanyang team matapos nitong magpaulan ng 34 points , 8 rebounds at 8 assist. Ito ang ika dalawampu’t apat na panalo ng […]
-
NORA, isa sa apat na artistang gagawaran ng ‘Gawad Dekada’; fans ni Cong. Vi nag-react dahil ‘di kasama ang kanilang idolo
APAT na artista lang ang gagawaran ng Gawad Dekada ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino for the period 2010-2020. Ito ay sina John Lloyd Cruz, Ms. Nora Aunor, Angeli Bayani, at Alessandra de Rossi. Sila lang ang napili ng mga supladang kasapi ng Manunuri na deserving of the Gawad Dekada. […]
-
Teenager isinelda sa boga at panggugulo sa Navotas
KULUNGAN ang kinasadlakan ng 19-anyos na lalaki na nanghiram ng tapang sa dalang baril nang dumayo pa upang manggulo at maghamon ng away sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang suspek na si Leo Boy Arogante, residente ng Brgy. Longos, Malabon City na nahaharap […]