SIM registration deadline hanggang July 25… KUYA KIM at KIRAY, na-experience din na mabiktima ng ‘hacking’
- Published on July 22, 2023
- by @peoplesbalita
ILANG araw na lang at sasapit na ang deadline sa Hulyo 25, kaya naman naglunsad ang Globe ng isang creative campaign na nagbibigay-diin sa mga consumer na sumunod sa ‘SIM Registration Act’ upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga panganib na nakatago sa online.
Sa “Number Mo, Identity Mo” campaign, ang online identities ng mga sikat na celebrity na sina Kuya Kim Atienza at Kiray Celis ay nakatatawang ‘na-hack’ ng mga talented stand-up comedians at improv artist na nagpapanggap sa kanila.
Ayon sa statement ni Ms. Yoly Crisanto, ang Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng Globe Group, “Online safety is a pressing issue in today’s digital age. Through this unique initiative, we hope to drive home the point that our SIMs are a crucial part of our digital identity and must be protected.
“We also want to remind our prepaid customers that they need to register their SIMs by the July 25 deadline. We urge all Globe customers to register their SIMs now,”
Sa naganap na press conference Globe, nagpaalala si Kuya Kim sa kahalagahan ng SIM registration.
“Ang number natin ay nakakabit sa ating digital o online identity,” sabi ng TV host.
“Sa experience na ito, marami akong natutunan, kailangan nating maging maingat sa ating identity kahit sa online space lang ito. Ang ating SIM ay hindi lang para sa ating mobile connectivity. Ito rin ay nakakabit sa ating digital identity.”
Dagdag pa ni Kuya Kim, “Number mo, identity mo. Kaya’t mahalaga na iparehistro ito upang maiwasan ang mga scam at pagsasamantala tulad ng nangyari sa akin.”
Kuwento naman ni Kiray, na-experience daw niya na totoong ma-hack ang kanyang account.
“May nangha-hack ng account ko, true story ito, siguro three or four weeks ago. Buti na lang, yung OTP ko ay pumapasok sa number ko.
“So, doon namin nalaman na, ‘Ay, sino ang pumapasok sa account ko?’ Ako lang naman ang nakakaalam ng mga password ko. Buti na lang nag-send ng mga OTP and nagpalit agad ako ng mga password.”
Upang maiwasang maging biktima ng panloloko, muling iginiit ng Globe ang panawagan nito sa mga customer na irehistro ang kanilang mga SIM. Maaaring magparehistro ang mga customer ng Globe Prepaid, TM at Globe At Home Prepaid WiFi sa pamamagitan ng GlobeOne app at SIM registration microsite ng Globe (https://new.globe.com.ph/simreg) 24/7.
Ang mga ganap na na-verify na may hawak ng GCash account ay maaari ding gumamit ng GCash app. Ang mga nangangailangan ng tulong upang mairehistro ang kanilang mga SIM ay maaari ring pumunta sa alinmang Globe Store at EasyHub sa buong bansa.
Ang Globe Postpaid, Globe Business Postpaid at Globe Platinum subscribers ay naisama na sa SIM registration database. Para sa mga prepaid na account ng Globe Business na pag-aari ng kumpanya, ang mga hakbang sa pagpaparehistro o pag-update ng mga detalye ay ipinadala sa mga awtorisadong kinatawan ng kumpanya.
‘Wag nang magpa-abot pa sa dealine sa July 25, magpa-register na ng inyong SIM, ngayon na dahil wala itong second extension ayon mismo sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Bisitahin din ang kanilang website, https://www.globe.com.ph/.
(ROHN ROMULO)
-
Dahil hands-on mom sa tatlong anak: JUDY ANN, nilalatag ang mga petsang puwedeng mag-shoot o mag-taping
HANDS-ON bilang ina si Judy Ann Santos at nakatutok sa lahat ng ganap ng kanilang tatlong anak ni Ryan Agoncillo na sina Yohan, Lucho at Luna. Kaya naman kapag may pelikula o serye siyang ginagawa ay umiikot ang work schedule niya sa schedule ng mga anak niya. Ipinaaalam niya agad sa produksyon kung […]
-
Habang may naghihirap, ayuda ng pamahalaan ‘di titigil – Tulfo
ANONG kakainin o ipapakain sa pamilya nya kung hindi aayudahan ng gobyerno?” Ito ang sinabi ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa isang radio interview hinggil sa usapin ng ayuda ng pamahalaan. Natanong kasi si Cong. Tulfo na “hindi kaya tinuturuan ng pamahalaan ang mga mahihirap na maging tamad dahil lagi na lang […]
-
Unreleased Bayanihan 2 funds, pinabubusisi
Mahigit 30 mambabatas ang lumagda sa isang resolusyon na humihikayat sa na magsagawa nang imbestigasyon sa pagpapalabas at paggamit ng pondo na inilaan sa ilalim ng Republic Act No. 11494, o Bayanihan to Recover as One Act. Ayon kay AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin, isa sa mga awtor ng House Resolution 1558, kailangang […]